Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sarah, Matteo excited na sa baby girl

0 1,024

Inuudyukan na sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo ng kanilang mga Instagram follower na magkaroon na ng anak.

Nakaposte sa IG wall ni Matteo ang larawan ng buong pamilya niya, kasama ang kapatid na buntis ngayon, at siyempre si Sarah.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ibinalita ni Matteo ang pagdadalantao ng kanyang sister sa isang baby girl. Pinutakti ng mga comment mula sa kanilang mga fan, na nagnanais na mabuntis na nga si Sarah at magkaroon na sila ng kanilang sariling anak.

Nasa community quarantine pa rin naman ang buong bansa at hindi pa rin naman bumabalik sa trabaho nang bonggang-bongga ang mag-asawa, kaya posibleng mabuntis na nga ang aktres, singer ngayong taon na ito.

Pero, habang wala pa nga, ang pananabik na magkaroon ng baby girl sa kanilang pamilya ang inaabangan ng dalawa. Excited na sila na magkaroon ng pamangkin na baby girl. (Rey Pumaloy)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.