Una sa Balita

Sarah-Matteo engagement iniyakan, ikinatuwa ng mga Pinoy

0 741

Nakakaiyak, ganyan ang reaksyon ng mga fan, supporter ni Sarah Geronimo sa engagement nito kay Matteo Guidicelli. At kahit ang mga kapwa artista nila ay sobrang masaya sa nangyari.

Nangunguna na si Neri Miranda, asawa ng Parokya ni Edgar front liner, sa nag-react sa engagement ng Popstar at ng Kapamilya actor.

Sa kanyang Instagram posting ng engagement proposal nina Sarah at Matteo, labis-labis ang kasiyahan niya sa nalamang balita at gusto niyang maiyak sa tuwa.

Sey pa niya, hindi siya kilala ni Sarah pero dahil favorite niya ang actress/singer, ikinatuwa niya ang malamang magkaka-asawa na rin ang idol niya, na ipinagdasal talaga niya.

Nagbilin pa siya ng mensahe kay Matteo na ingatan si Sarah at pasayahin pa ito sa panibagong stage ng kanilang pagmamahalan.

Gusto nga raw mamigay ng burger ni Neri, na ini-endorso ni Sarah sa labis niyang kasiyahan.

Marami ngang mga celebrity na nagpahayag ng kanilang kasiyahan sa engagement nina Sarah at Matteo, ilan pa sa mga ito na nag-repost ng larawan ng couple ay sina Kim Molina at Bianca Gonzales.

Kulang-kulang sa isang milyon na ang like sa posting ni Matteo ng engagement photo nila ni Sarah, at meron na rin itong lagpas na sa 50,000 comment.

Ang engagement ni Sarah ang siyang nagwalis sa controversy nina Marjorie, Gretchen, Claudine at Mommy Inday. Biglang nabaling ang atensyon ng madla kina Sarah at Matteo, at nawala ang interes ng mga netizen na makasagap ng update sa away ng mga nasabing magkakapatid na Barretto.

Babawian ng korona ng Bb. Pilipinas:

Cindy Miranda nagpakita ng hiyas, boobs sa pelikula

Handa na si Cindy Miranda na itakwil ng Binibining Pilipinas at hubaran ng titulo bilang Binibining Pilipinas 2013 winner, kapag umalma ang organizer sa ginawa niyang paghuhubad sa lalabas niyang pelikula sa November 20 ang “Adan” na pinagbibidahan rin ni Rhen Escaño, sa direksyon ni Roman Perez Jr.

May pasilip hindi lang ng boobs kundi pati na ng kanilang mga hiyas sina Cindy at Rhen sa ilan sa kanilang mga eksena sa movie. Lesbian love o same sexuality ang tema ng “Adan”, at sina Cindy & Rhen ang magka-love team. Bukod dito, may kissing scene ang dalawa at love scene.

Sa presscon ng nasabing movie na ginanap sa Craft Kitchen & Bar, sa Tomas Morato nu’ng Huwebes, Nov. 7, maiintindihan niya kung babawiin sa kanya ang korona niya dahil sa pagpayag malantad sa screen ang kanyang private parts.

Iginiit ni Cindy na maganda ng buong pelikula, pati na ang character nilang dalawa ni Rhen kaya hindi na sila nag-inarte pang mag-nude.

Ayaw pakawalan ni Cindy ang pagkakataong makilala siya bilang isang mahusay na aktres, sa ganda ng project at acting na ginawa niya rito.

Inimbitahan ni Cindy ang mga kaibigan niya sa BBPinas batch 2013 na panoorin ang kanyang project.

Kung hindi nagustuhan ng Bb. Pilipinas ang kanyang paghuhubad at tatanggalan siya ng title, maiintindihan ito ni Cindy.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy