Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sarah, Matteo binatikos sa bagong project

0 857

Unang TVC bilang mag-asawa nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli ang Meralco. Sila ang nagpaliwanag sa naging proseso kung bakit ikina-shock ng halos lahat ang lumabas na electric bill sa ilang buwang lockdown.

Ang cute sana na makitang magkasama ang dalawa, kahit pa sa endorsement lang ‘to. At bilang isa sa mga sikat at controversial couple, hindi na nakapagtatakang marami sa mga brands ang gugustuhin ang serbisyo ng dalawa.

Pero, yung ine-expect naming positibo ang halos mga comments at reaction sa unang TVC nila, parang hindi na-achieved kung pagbabasehan ang mga nabasa naming pagbatikos ng netizens.

Una, dahil ba sa napili nilang brand na ine-endorse? Dahil marami sa ngayon ang may love-hate relationship doon?

O second, dahil ba sa kahit nagbigay na rin naman sila ng stand nila regarding the ABS-CBN shutdown, parang may mga nakukulangan pa rin?

Pang-third, posible ba na meron lang talaga na tila hindi pa rin happy sa marriage ng dalawa o sa paraan ng pagpapakasal nila?

Sa isang website kasi, ilan sa mga comments, “This couple is starting to be cringeworthy.” “One of the perks of marrying Sarah, magkakaroon ka ng ad.” “Medyo off silang dalawa sa akin ngayon” at marami pang-iba.

Pero meron din naman na natuwang makita ang mag-asawa in one project at nagwi-wish na sana raw, movie naman ang kasunod.

Dennis kulang sa suporta kay Jennylyn

May ilang supporter raw ng Kapuso Ultimate Star na si Jennylyn Mercado ang nagtataka at naghahanap ng suporta mula kay Dennis Trillo?

Sa ngayon, nabuksan ni Jennylyn ang sarili sa mga basher dahil sa pagiging “woke” na niya at pagpapahayag ng saloobin at disgusto sa mga nangyayari sa bansa at pamamalakad ng gobyerno.

May mga galit man sa actress dahil sa obvious na taliwas sa pinapanigan nila ang mga pahayag ni Jennylyn, wala rin duda na marami rin siyang mga bagong supporters dahil sa pagiging vocal ngayon.

Todo rin ang mga bash na natatanggap ni Jennylyn. At tila naghahanap ang ilan sa mga fan ng actress, bakit daw yata sa kabila ng mga pamba-bash o panlalait na natatanggap nito, dedma lang o walang pagtatanggol o kahit word of encouragement nila sa boyfriend?

Napa-check tuloy kami ng mga social media accounts ni Dennis. Aba e, November 2019 pa ang huling post niya sa Twitter. Sa Instagram, kahit na active ito, hindi rin naman ganun kadalas mag-tweet si Dennis very random ang mga IG post.

Going stronger naman ang relasyon ng dalawa at halatang masaya sa isa’t isa. Looks like magkasama rin sila ngayong lockdown.

So malamang yung suporta o encouragement na hinahanap ng ilan kay Dennis para ipakita nito kay Jennylyn, ‘di malayong nagagawa niya ito directly na sa girlfriend.

Kung may chance nga lang siguro ngayon tulad dati na nakakausap si Dennis either through presscon o set visit, siguradong natanong na ito tungkol dito at nai-imagine namin na ipagtatanggol nito ang girlfriend.

Alden ‘di mapatumba ng COVID-19

Bukod sa kaliwa’t kanan na mga endorsement ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards, aba e, siya yata ang isa sa pinaka-visible Kapuso kahit pa panahon ng pandemic.

Isa siya sa mga Kapuso na nag-resume na agad ng live show through Eat Bulaga. Habang MECQ nga lang, naudlot na naman ang live nila sa studio. Napapanood siya tuwing Linggo sa All Out Sundays na live from home sila at simula sa Lunes, mapapanood muli ang isa sa past primetime series ni Alden, ang “One True Love” na sa GMA Afternoon prime naman.

At posible rin na mag-resume na ang Centerstage kunsaan, siya ang host.

Personally, ang One True Love ang isa sa mga gusto naming serye ni Alden kunsaan, katambal pa niya ang original ka-loveteam na si Louise delos Reyes. Dito siya nakilala at minahal bilang si Tisoy.

Tinanong nga namin si Alden kung paano siya naka-adapt agad sa new normal na situwasyon, lalo na pagdating sa trabaho.

Aminado ang karamihang artista ngayon na takot pa rin talagang mag-live at mag-resume ng taping o shooting dahil nga sa threat ng COVID-19.

Ayon kay Alden, “Ang motivation ko o palagi kong iniisip, matatapos din ‘to. This pandemic will end soon. At kailangan nating magtulungan bilang mga Filipino at priority natin na gumanda ulit at bumalik ulit tayo sa normal.

“Sa part ko, I just make sure na safety first. Palagi ko rin ina-apply yung lahat ng safety protocols para makapagtuloy-tuloy lang sa work o sa kahit na anong ginagawa ko.”

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.