Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sarah, Marian pinag-aaway

0 260

Masyadong sensitibo ang ilang tagahanga ni Sarah Geronimo. Sa halip na matuwa at magpasalamat na ang anak ni Marian Rivera na si Zia ay tagahanga ni Sarah, ginagawan pa ng isyu ng mga ito.

Gayong makikita kay Marian ang pagka-proud at pagkakilig na ang kanyang anak na si Zia ay kinikilig na at fan nga ni Sarah.

Isyu sa mga fan ni Sarah ang paraan ng pagbanggit sa pangalan nito. Pakiramdam nila, hindi raw binibigyan ng sapat na paggalang ang idol nila.

Katwiran ng mga fan ni Marian, ganun naman talaga itong magsalita at kahit minsan kapag ina-addressed ang mister niyang si Dingdong Dantes, sa ganoong paraan din.

Personally, wala rin kaming makitang mali o masama sa paraan ng pagkaka-mention ni Marian kay Sarah. In fact, may fondness pa nga at masaya ito.

Sana nga ay hindi na ito maging isyu pa dahil malamang, kahit si Sarah ay hindi matutuwa sa ginagawang pag-aaway ng mga toxic fans niya kay Marina, ha!

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ryza takot manganak sa ospital

Halos isang buwan na lang ay manganganak na ang Kapamilya star na si Ryza Cenon. Nakapag-baby shower na rin ito virtually.

May team siya na kumuha ng mga video messages para sa partner niya na si Miguel Cruz at sa magiging baby boy nila. At sa mga nag-send din ng gifts for their baby. Hindi man physical na magkakasama, base sa mga pictures na ipinakita ni Ryza, nairaos din ito na tila gaya ng normal na baby shower talaga.

Nakapalitan namin ng messages ang actress. Aniya, kinakabahan daw siya sa araw na manganganak na siya.

Normal naman sigurong kabahan talaga ngayon ang mga babaeng manganganak. Yung walang COVID-19 ay ninenerbiyos na ang isang ina, how much more pa nga ba ngayong may kalaban na hindi nakikita. Unlike other celebrities tulad nina Max Collins at Coleen Garcia na mas piniling manganak sa bahay dahil sa takot na rin sa risk ng virus sa hospital, si Ryza ay sa hospital pa rin piniling mangangak.

May hospital na nakaplano si Ryza kung saan niya ide-deliver ang baby niya. Pero, ang ama ng anak niya, obvious na yung the best ang gusto sa mag-ina nito. Kaya posibleng mabago ang hospital na pag-aanakan nito.

Hindi pa namin personal na nami-meet ang partner ni Ryza, pero ramdam namin kung gaano nito kamahal ang actress at mukhang spoiled si Ryza sa ama ng anak.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.