Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sarah mabubuntis Kathryn, Daniel maghihiwalay

0 773

Masasabak sa isang malaking problema sina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla ngayong 2022. Na hahamon sa tibay ng pagmamahalan nila.

‘Yan nga ang prediksiyon ng isang manghuhula sa diumano ay magiging kapalaran nina Daniel at Kathryn.

Anyway, mapapanood nga sa YouTube channel ni Aiko Melendez ang prediksyon sa KathNiel, na siguradong papalagan ng mga solid supporter ng dalawa.

Sa panayam ni Aiko sa celebrity psychic, fortune teller, card reader na si Jovi Vargas, tinanong siya ng aktres kung may magpapayanig pa bang intriga sa KathNiel, na sinagot nga ni Jovi na magkakaroon daw ng problema, partikular kay Daniel. Makakatagpo raw ng ibang babae ang aktor.

Hindi nakikita ni Jovi na magkakaroon ng romansa si Daniel sa naturang babae, pero magpapayanig daw ito kay Kathryn at sa kanilang pagi-ibigan.

Pero payo rin ni Jovi na ‘wag bibitiw sa ‘loveteam’ ang dalawa dahil parehong malakas ang kanilang energy ‘pag magkasama.

“They’re sharing both luck,” sabi pa ng fortune teller.

May nakikita ring aksidente si Jovi kay Daniel sa bandang South, na hindi siya sigurado kung kotse o motorsiklo, kaya hangga’t maari ay iwasan daw ng aktor ang magtungo muna sa bahaging ‘yon.

Samantala, isang sikat na singer-actress daw ang mabubuntis, na may initial na “S” at “G”. Nasambit ni Aiko ang pangalan ni Sarah Geronimo, na sinagot naman ni Jovi na posibleng ito nga.

Pinag-iingat din ni Jovi si Marian Rivera na may nakikita raw siyang aksidente na mahuhulog ito.

Pagdating naman kay Aiko, malilito ang kanyang puso sa pagdating ng isa lalake sa buhay niya. Kukulitin siya ng naturang lalake, na magpapagulo raw sa kanyang utak.

Pinigilan na ni Jovi si Aiko na ‘wag magbuntis kahit puwede pa itong makaisa.

Sinabi naman ni Jovi na magiging magdyowa sina Ruffa Gutierrez at Senatoriable Herbert ‘Bistek’ Bautista. ‘Yun ay kung mapapanindigan daw ni Bistek si Ruffa.

Vice, Ion landian video kumalat sa Twitter

Mistulang inahing-pusa si Vice Ganda sa nag-viral na video nito sa Twitter kasama ang dyowang si Ion Perez. Kuha ang unguarded moment nina Vice at Ion sa backstage ng “It’s Showtime”.

Mapapanood sa video na nilalandi, nilalambing ni Vice si Ion sa upuan.

Nakaupo lang si Ion habang may nilalaro sa kanyang cellphone. Pilit isinisiksik ni Vice ang kanyang katawan, nagpapayakap, nagpapakandong siya kay Ion, na parang pusang nangangailangan ng karinyo.

May kasama pa itong facial expression na animo ay bold star siya.

Hindi alam ni Vice na kinukunan sila ng video, kung saan maririnig ang boses ni Teddy na sinasaway sila. Nang mapansin ni Vice, lalo pa itong umarte na parang nakikipagtalik kay Ion.

Aliw na aliw ang mga netizen sa itsura ni Vice, na parang kulang sa dilig kay Ion, samantalang 24/7 silang magkasama.

Danica ligtas na sa Covid

Tinamaan pa rin ng Covid-19 si Danica Sotto-Pingris, kahit katatapos lang ng kanyang booster shot. Ayon kay Danica, nagka-Covid siya dalawang araw matapos sang booster.

Inakala niyang side effect lang ng booster shot ang naramdaman niya, pero kinabukasan ay may sore throat, body ache na siya. Lumabas sa test na positibo siya sa virus.

Tinamaan din ng virus ang mga anak niya. Tanging ang asawang si Marc Pingris at mga kasambahay ang hindi nahawaan.

Nagpasalamat sa Diyos, at kay Marc si Danica, na nag-alaga sa kanila. Negatibo na silang lahat ngayon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.