Una sa Balita

Sarah Lahbati desididong ibalik ang dating alindog

By
0 237

May endorsement shoot next week si Sarah Lahbati at pinaghahandaan daw niya ‘yon. Hindi pa nga lang daw puwedeng sabihin kung ano ‘yon at secret pa.

Naikuwento nga pala sa akin ni Sarah na nabawasan na siya ng 10 kilos after niyang manganak kay Baby Kai.

“More workout pa for me to achieve my pre-pregnancy weight.

Abante Hiring – IT dep

 “’Pag feeling ko healthy and strong na ulit ako, okey na ako. I will just have to sustain that. But as of now, I’m still working on loosing fats,” sabi pa ni Sarah.

In fairness, masipag namang mag-exercise si Sarah, kaya baka by next week lang ay balik na siya sa pre-pregnancy weight niya, huh!

Tungkol naman sa pagpapaka-active uli niya sa kanyang showbiz career, mag-uusap pa raw sila ng Viva Artists Agency tungkol doon.

Ang Viva kasi ang nagma-manage sa career ng lovey-dovey ni Richard Gutierrez.