Una sa Balita

Sarah, James, Nadine inaabangan ng mga Pinoy sa Italy

By
0 1,046

It’s nice to be back! While in Milan, Italy, ilang mga kababayan natin doon ang nakatsikahan ko at para sa kanila, ‘yung concert noon ni Sarah Geronimo roon ang siya pa ring pinaka-well-attended Pinoy show roon.

May iba ngang nagsabi na sana ‘yung Sarah 15 Me 15th anniversary concert niya ay dalhin daw sana ng Viva sa lugar na ‘yon at siguradong dudumugin pa rin ‘yon.

Isa pang gusto nilang mag-show uli roon ay ang JaDine. Big success din daw kasi ang show roon nina James Reid at Nadine Lustre noong 2016. For sure raw, dudumugin pa rin ‘yon ng mga kababayan natin sa Milan! 

Mga Pinoy sa Milan sabik sa Richard, Angel tandem

May ilang mga fan naman si Richard Gutierrez ang nakilala ko roon at excited sila dahil nasa ABS-CBN na nga ang lovey-dovey ni Sarah Lahbati at ang request nila, sana raw ay dalhin din ng TFC (The Filipino Channel) sa lugar na ‘yon ang aktor.

Mas maganda nga raw kung isasabay na sa kanya si Sarah dahil nga Kapamilya star din naman ito.

Puwede rin daw na silang dalawa ni Angel Locsin ang ipadala sa Milan dahil marami palang ChardGel fans doon, huh!

“Sana nga matuloy na ‘yung reunion movie nila sa Star Cinema. Parang lalo kasi kaming pinasasabik,” komento ng isang fan nina Richard at Angel.

Nang nasa Kasal screening nga pala ako noong Sunday, narinig ko naman sa ilang mga Pinoy roon na inaabangan nila ang screening naman doon ng I Love You, Hater nina Joshua Garcia at Julia Barretto, kasama si Kris Aquino, na balitang ipapalabas na ngayong June. (Jun Lalin)

Kahit may throat problem Sharon tuloy ang concert sa Bacolod

Naku, kahit sinasabi ni Sharon Cuneta na pinapantasya niya na mawala muna para makapagpahinga, mukhang imposibleng mangyari ‘yon ngayon dahil sa Friday ay may concert na naman siya.

Bukas nga ay pupunta na ang Megastar sa Bacolod City para sa kanyang concert na Sharon: 40th Mega Philippine Tour kung saan ay special guest niya si Martin Nievera.

Kahit may tsika siya na nagkakasakit siya lately at magpapatingin pa nga siya ng kanyang throat sa doctor, still, wala namang makakapigil sa concert na ‘yon ni Sharon sa SMX Convention Center sa SM City Bacolod.

Actually, today rin ang alis ni Martin pa-Bacolod para sa concert na ‘yon at excited siyang maging special guest doon.