Una sa Balita

Sarah inaabangan ng mga Pinoy sa Japan

Isasama si Matteo?

0 407

Naku, Dondon (my dear editor), sayang at hindi ka nakasama nang i-meet ako ni Chereneth Perez ng TFC (The Filipino Channel) Japan dahil ang dami niyang kuwento, huh!

Alam mo ba na iso-showing pala sa Japan ang blockbuster movie nina Sa­rah Geronimo at James Reid, ang Miss Granny, at excited na raw ang mga kababayan natin doon.

Ang Viva Films daw mismo ang magdadala sa Japan ng Miss Granny at ipapalabas ‘yon simula sa September 30 sa iba’t ibang lugar.

Sabi pa ni Chereneth, may mga screening daw na bibisitahin mismo ni Sarah.

Pupunta rin kasi talaga ng Japan si Sarah dahil may This 15 Me concert sa Nagoya.

Teka! Hindi kaya isama ni Sarah sa Japan ang boyfriend niyang si Matteo Guidicelli?

Remember, nabuking na namasyal pala kamakailan sa Japan ang mag-sweethearts, huh!

Anyway, going back to Miss Granny, tuwang-tuwa raw si Sarah nang ibalita sa kanya ng mga taga-Viva na nagdagdag ng mga sinehan ang kanyang pelikula dahil lalo pang lumakas ‘yon sa takilya noong weekend.

The latest I heard, noong Sunday ay 229 theaters na ang Miss Granny at kahapon daw ay may dagdag na sinehan na naman sila.

Lahat kasi ng mga nakapanood na ng Miss Granny ay nagsasabing sobrang ganda nito at ang galing umarte ni Sarah kaya naman lalo pang lumabas sa takilya ang pelikula, huh!

Lorin pasadong beauty queen

Hindi ako magtataka kung katulad ng nanay niyang si Ruffa Gutierrez ay maging beauty queen din itong si Lorin Gutierrez (‘yan ang surname na ginagamit niya bilang product endorser).

Nang mag-host kasi si Ruffa ng isang birthday event sa Manila Hotel noong Sunday night ay isinama niya si Lorin.

Eh, ayos na ayos din si Lorin, kaya dalagang-dalaga na rin ang dating niya kahit kapi-15 nga lang niya noong August 3.

Ang komento nga ng mga nakakita kay Lorin that night ay puwedeng-puwede nga siyang maging beauty queen.

Kasama rin nila si Annabelle Rama sa event na ‘yon, kaya proud lola si Bisaya dahil first apo nga naman niya si Lorin at nakaka-happy nga ang mga papuri rito, huh!

Saka ang napapansin ko nga pala, kung noon ay mahiyahin si Lorin, aba ngayon, ma-PR na rin siya at mahilig na ngang magsasama sa mga event na pinupuntahan ni Ruffa, huh!

Sayang nga lang at kahit may mga nagsasabi rin na dapat na ring pasukin ni Lorin ang showbiz ay hindi naman siya papayagan talaga ni Ruffa dahil ang usapan nila ay kailangan munang magtapos ni Lorin ng pag-aaral kung sakali ngang gusto rin nitong mag-artista.

Naaliw nga pala ako nang minsang kasama namin si Lorin dahil gamit-gamit niya ang isang bag ni Bisaya at panay ang biro rito ng lola na pahiram lang ang bag na ‘yon at kailangang ibalik niya.

Of course biro lang ‘yon ni Bisaya dahil obvious namang paborito niya si Lorin dahil ito nga ang first apo niya, ‘noh?!

Ken apektado sa ‘Tatay’

Mamaya ang press conference ng GMA 7 para sa bagong afternoon series nila na My Special Tatay.

Ang nasabing series ang papalit sa Hindi Ko Kayang Iwan Ka nina Yasmien Kurdi at Mike Tan na magtatapos na sa Friday.

Consistent sa pagiging top rater ang Hindi Ko Kayang Iwan Ka, kaya naman isang malaking challenge kay Ken Chan na mapag-rate rin ang pagbibidahan niyang afternoon drama starting Monday.

Anyway, medyo emotional nga­yon si Ken dahil may sakit nga ang kanyang tatay at tamang-tama nga na ang My Special Tatay ang bagong series na ibinigay sa kanya ng Kapuso network.

Marami nga raw eksena sa kanilang taping ang napapaiyak si Ken dahil naaalala niya ang may sakit niyang tatay.