Una sa Balita

Sarah hindi sinundan ni Matteo sa US

By
0 2,430

Katatapos lang ng This 15 Me Las Vegas, Nevada concert ni Sarah Geronimo noong Sunday. May ibang mga nagdududa na baka sumunod sa US concert tour ni Sarah ang boyfriend niyang si Matteo Guidicelli, pero naka-four shows na nga ang Popstar, pero wala namang sighting sa binata.

Mukhang hindi magkakatotoo ang duda ng iba na baka sundan ni Matteo sa US ang kanyang girlfriend.

Ayon sa isang kasama sa US concert tour ni Sarah na tinanong ko, kung susunod daw si Matteo sa girlfriend, parang mas maganda na gawin na ‘yon ng binata dahil after nga nitong Las Vegas show at sa Friday na uli ang show ng dalaga sa Copernicus Center, Chicago, Illinois.

Ang alam ng nakatsikahan ko, ilang araw na rest day ni Sarah. Teka, ma-check nga kung may taping ng Bagani si Matteo!

Anyway, sa May 6 na naman ang last show ni Sarah sa Colden Auditorium sa New York at kung hindi man siya sundan sa US ni Matteo ay sandali na lang naman at malapit na silang magkita uli.

Zion feeling Elvis Presley

Nag-enjoy ang mga bisita sa 5th birthday party ni Zion, at kahit ang mga matatanda ay nag-enjoy talaga, dahil lahat ay na-entertain. Siyempre, nagpakitang gilas na naman ang panganay nina Richard at Zion dahil ilang kanta rin ang binanatan nila ng lolo niyang si Eddie Gutierrez.

May mga nagsa-suggest nga roon na maglabas ng CD ang maglolo dahil bagay na bagay sila na nagdu-duet ng Elvis Presley songs. Si­yempre, favorite ni Tito Eddie si Elvis, kaya naman siya ang naka-influence sa apo dahil ilang songs ng yumaong international singer ang alam na alam kantahin ni Zion, huh!

Masa­yang-masaya ang Gutierrez matriarch na si Annabelle Rama sa mga papuring narinig tungkol sa pagdu-duet ng kanyang mister at apo. Actually, pati si Mother Lily Monteverde nga, ang saya-saya during Zion’s birthday party.

Si Zion naman, mukhang kinalimutan muna ang pagiging kuya sa baby brother na si Kai dahil sobrang in-enjoy niya ang kanyang birthday party. Panay ang laro ni Zion at kahit tapos na ang party ay hindi pa rin tumigil sa pagpapadulas sa indoor kids air slide. Hindi ko naman nakita sa party si Baby Kai na natutulog daw sa bahay.

Ruffa agaw-pansin ang kaseksihan

Ang mga anak naman ni Ruffa Gutierrez na sina Lorin at Venice ay hindi na nakiki-join sa games dahil mga dalagita na nga.

Sa party nga pala, panay ang banggit ng mga bisita na ang laki na ng ipinayat ni Ruffa. Ang talent manager nga na si Dolor Guevarra na nasa party rin kasama ang kanyang apo ay napansin ang pag-sexy ni Ruffa.

Siyempre, natutuwa naman si Ruffa sa mga ganoong comment tungkol sa kanyang katawan dahil ang hirap din naman ng pag-e-exercise, diet at madalas niyang pagpunta sa Belo Medical Clinic para sa ilang treatment para masiguradong patuloy ang kanyang pagpayat, huh!

Anak nina Meryl, Bernard artistahin ang dating

Nakita ko sa party ni Zion si Meryll Soriano na kasama ang anak na si Elijah Palanca. Sabi ko kay Meryll, kamukha ng tatay niyang si Bernard Palanca ang kanyang anak at sumang-ayon naman siya.

Guwapo nga ang apo ni Willie Revillame at puwedeng-puwede rin itong mag-artista, huh!

Rufa Mae super late sa party ni Zion

Late si Rufa Mae Quinto sa 5th birthday party ng anak nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati na si Zion noong Sunday. Tapos na ang party nang dumating sila ng anak na si Alexandria Magallanes sa Ayala Alabang Country Club.

“Marami pa kasi akong pinuntahan, pero go, go pa rin. The good thing is nakaabot kami,” tatawa-tawang sey ni P-chi (palayaw niya).

Sa May 28 ay birthday na rin ni P-chi, pero wala pa rin siyang plano. Mas focus daw kasi siya ngayon sa kanyang anak, sa mister na si Trevor at sa kanyang career.