Una sa Balita

Sarah hahamig ng best actress award dahil sa ‘Miss Granny’

0 569

abante-talbog-joe-barramedaNaimbitahan kami ng mga fan nina Xian Lim at Kim Chiu sa isang block screening ng “Miss Granny” sa Promenade Greenhills kamakailan lang.

Bihira kami manood ng sine at kaya namin pinaunlakan ang imbitasyon ay para malibang at makawala sa mga stress at depression na nararamdaman namin lately.

Hindi naman kami nagkamali sa pagpapaunlak na iyon dahil kahit papaano ay nakawala kami sa mga stress at depression.

Abante Hiring – IT dep

Sobra ang aliw namin sa “Miss Granny” at marami na kaming napanood na pelikula ni Sarah Gero­nimo pero kakaiba ito.

Hindi lang siya magaling kundi ang galing-galing niya at natalbugan yata niya ang lahat ng artista sa aming pananaw. Gusto kong tumayo nang bonggang-bongga para saluduhan si Sarah. Bravo Sarah and you’re the best.

Sure ako na hahamig ng awards si Sarah para sa movie na ito.

Sinuportahan naman siya ng mga kasamahang artista gaya ni Xian at iba pa na nagpakita rin ng galing sa movie.

Masuwerte ang mga producer ng “Miss Granny” na pinapalakpakan ng buong Pilipinas. Ang tunog-tunog niya sa buong bansa at lalo na kapag nag-screening na sa ibang bansa.

John Estrada lumalala ang kasamaan

Nag-bonding sa pagluluto ang mga babae sa buhay ni Victor Magtanggol sa “Idol sa Kusina” noong Linggo (August 26).

Naghanda sina Chef Boy Logro, Chynna Ortaleza at Janine Gutierrez ng mga Pinoy dishes bilang pagdiriwang ng National Heroes Day.

Samantala, pinag-usapan sa social media ang topless scene ng Pambansang Bae kung saan naipakita ni Alden Richards ang katawang lubos niyang pinaghirapan.

Bukod dito, lubos na kinagiliwan ng mga netizen ang adventure ni Alden bilang si Victor Magtanggol gabi-gabi.

Bukod kasi sa epic visual effects at nakakamanghang costumes, maraming natututunan ang mga Kapuso viewer sa kuwento ni Victor lalo na sa pagmamahal sa pamilya. Ngunit, ngayong mas lumalala ang kasamaan ni Loki (John Estrada), paano kaya pagbabalansehin ni Victor ang tungkulin sa bayan at sa pamilya? Tutok lang sa GMA Telebabad!

Kapamilya stars mas bet ni Harry

Nakakaaliw itong si Presidential Spokesperson na si Harry Roque. Matagal na naming sinusubaybayan si­mula pa nu’ng pagiging aktibo niya sa mga social issues at tumutulong sa mga taong nangangailangan ng serbisyo ng abogado.

Lately ay naging miyembro ng isang party-list na nagluklok sa kanya bilang Congressman. Hanggang maging miyembro ng gabinete ni Pres. Duterte.

Isang simpleng tao na nanggaling sa edukadong pamilya at dumaan sa pamumuhay ng ordinaryong Filipino. Pero mahilig din pala ito sa showbiz at ang kilala niya ay more from ABS-CBN since doon siya nakatutok kahit galit ang amo niya sa nasabing network noon.

Pero pagdating daw sa news ay sa GMA naman siya nakatutok at number one fan pala siya ni Nora Aunor. Alam niya na may bagong teleserye si Ate Guy sa GMA at tutok din siya sa panonood dito.