Una sa Balita

Sarah hahakot ng award sa ‘Granny’

0 1,764

abante-i-know-better-jun-nardoNangangamoy ang pagiging grand slam Best Actress ni Sarah Gero­nimo dahil sa iba-ibang emosyong ipinamalas niya sa pelikulang “Miss Granny” na mapapanood simu­la ngayong araw.

Nag-drama, nagpatawa, nagpa-cute at burado ang tunay na Sarah Geronimo sa role niya bilang Fely (Nova Villa) at Odrey (batang Nova Villa). Refreshing ang pagganap niya kumpara sa mga nagawang romantic-comedy films opposite John Lloyd Cruz.

Adaptation ng sikat na Korean movie ang “Miss Granny”. No wonder, bagong konsepto ang Viva movie lalo na sa hindi nakapanood ng pelikula. Nakakasawa na ‘yung mga romantic-comedy film, pakyut na love stories na pawang hugot ang ginagawang bentahe sa publiko.

Ang dalawang eksenang tumatagos sa puso ay ang back story ng mag-inang Nova at Nonie Buencamino. Touching ang video ng kuwento nila habang kinakanta ni Sa­rah ang lumang kantang “Forbidden” na binigyan niya ng bagong-buhay.

Ang isa pang unforgettable scene ay ang pag-uusap nina Nonie at Sarah (bilang batang Nova). Nakasabay ang Pop Star Princess sa galing ni Nonie at tutulo ang luha ninyo sa makabagbag-damdaming eksenang ‘yon.

‘Bituin’ ni Sharon nakuha ni Sarah

Dapat palakpakan din ang ang pag-revive ng lumang kantang “Rain” (na huling pinasikat ni Donna Cruz) at ang “A-Kiss, A-Kiss, A-Kiss” na pinasikat ng da­ting matinee idol na si Efren Montes.

Panalo rin ang last song ni Sarah na isang original. Walang tapon ang mga kantang ginamit sa ­official soundtrack.

Sumaludo rin ang lahat sa kabuuan ng movie lalo na ang direksyon ni Binibining Joyce Bernal.

Habang lumalabas ang closing credits, kinakanta ang “Bituing Walang Ningning” na pinasikat ni Sharon Cuneta kaya hula nang nakapanood, ang movie ang susunod na gagawin ni Sarah!

Cheers sa lahat ng bahagi ng “Miss Granny” at congratulations sa Viva sa paggawa ng kakaibang pelikulang sure blockbuster sa takilya, huh!

Panahon na para isabak si SG sa mas mabagsik pang role dahil ka­yang-kaya niyang kumawala sa pa-tweetums image niya!