Una sa Balita

Sarah gagawing Angelina Jolie ni direk

0 706

Kahit na si Direk ­Jason Paul Laxamana ang ­director ni Matteo Guidicelli sa pelikulang “Pedro Penduko” at kasaluku­yang nagti-training ang aktor para rito, wala rin daw siyang alam na noong February 20 ay kasal na pala nito.

Nagpaalam lang daw na mas maagang aalis from the training.

Nakipag-team up si Direk JP sa VIVA para sa bago niyang entertainment company na “Ninuno Media.” Pero dahil may mga commitment pa siya sa ibang production, io-honor pa rin at gagawin pa rin daw niya ang lahat ng ito.

Ang “Pedro Penduko” nga ang una niyang gagawin sa VIVA as co-team up with his Ninuno Media. Magsisimula na rin sila ng taping, although ang ­target din nila ay maipasok ito sa 2020 Metro Manila Film Festival (MMFF) ng Christmas.

Dahil nasa VIVA na nga, pangarap niyang magawan ng pelikula ang ngayon ay Mr. & Mrs. Guidicelli na. At ngayong makakatrabaho na niya si Matteo, pangarap daw niyang maidirek din si Sarah na mapapanood ito na iba naman.

Sey niya, “Kaedad ko kasi si Sarah, hahaha! Wow may kinalaman?! Noong college ako, ‘Forever’s Not Enough’ days, sinusundan ko siya.

“Gusto ko siyang gawin na action-superhero. ­Mala-­Angelina Jolie or Jennifer Lawrence sa ‘Hunger Games.’”

Bukod sa “Pedro Penduko”, naka-line up na rin na gagawin niya ang “Anitu” na comics na ngayon, “Aswang Country” at ang sequel ng “100 Tula Para Kay Stella.”

Kris Bernal gusto nang buntisin ni Perry

Mukhang bonggang bahay ang planong ipatayo ni Kris Bernal para sa kanila ng kanyang fiancee na si Perry Choi. Nag-post ng sunod-sunod si Kris ng IG stories niya kunsaan, para itong nagtu-tour sa isang mala-mansion na bahay.

Kasama ni Kris ang nanay at ang boyfriend. Sinabi naman niya sa IG niya na nasa bahay sila ng isang friend. Tila kumukuha ito ng idea sa ipatatayong bahay.

Pangarap din daw niya noong bata pa na may sari­ling swimming pool. Pero nagtatanong ito kung madali o mahirap mag-maintain. Pasok sa kanya ang dinalaw na bahay dahil sa high ceiling nito na gusto rin daw niya sa sariling bahay.

Mukhang ‘yung basketball court ang para naman sa jowa niya.

So, obviously, road to wedding na nga si Kris na engaged na kamakailan lang. Pero sa huling interview namin sa kanya, bahay muna bago ang kasal. May nabili raw siyang lupa sa Quezon City at since sagot na niya ang lupa, ang mapapangasawa na raw niya ang bahala sa pagpapatayo ng magiging bahay nila.

Nagmamadali na rin kasi ang boyfriend ni Kris dahil siyempre raw, hindi naman na ­bumabata ang lolo at lola niya na gustong makita silang kasal na. Gusto na ngang magkaapo agad sa tuhod.

Palaban na sa AlDub fan: Julie Anne type mag-guest sa concert ni Richards

Nakikita naman ngayon lalo na sa Sunday show nila sa GMA na okay na ­talaga ang relasyon nina Julie Anne San Jose at Alden Richards.

Ito ay sa kabila ng kung ano-anong isyu, kasama na ang mga pamba-bash din na natatanggap niya noon.

Si Alden ang magkakaroon ng concert sa Araneta Coliseum para sa kanyang 10th year in showbiz. Wala pa naman daw siyang natatanggap na imbitasyon nang tanungin namin kung siya ay puwede ring maging guest.

“Okay naman po, I mean, why not,” nakangiting sabi niya.

Sabi rin ni Julie, “Okay naman po kami. Okay naman po talaga. Even si Maine (Mendoza) okay ­naman po kami.

“Noong last na nagkita kami, nag-guest po siya sa ‘AOS’, okay naman po kami, actually, first time ko rin na makatrabaho si Maine, wala naman, okay ­naman po talaga kami.”

Tinanong nga namin si Julie kung mula rin nang hindi na ganoon ­kaaktibo sina Alden at Maine bilang AlDub ay nawala na rin ang mga pamba-bash ng ilang fan.

Na kahit paano, meron na rin na nagwe-welcome sa kanilang dalawa ni Alden kung magkasama man sila tulad nga sa “AOS”.

“Ewan ko rin po, pero for me po kasi, hindi ko rin naman din kasi kailangan na parang i-please rin, wala naman pong ganoon sa akin.

“Basta po ako, very open to work with anyone. ‘Yung mga basher, hindi naman po talaga mawawala ‘yun. Grateful naman po sa support,” saad na lang niya.

Nakausap namin si Julie Anne sa naging opening ng Shinagawa Lasik & Aesthetic new branch sa Ore Central Building, BGC. Isa si Julie sa nag-cut ng ribbon.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More