Una sa Balita

Sarah G mas pinaboran kesa kina Lea, Bamboo sa Christmas SID

0 648

Mas pinaboran daw sa Christmas Station ID ng Kapamilya Network si Sarah Geronimo kaysa Lea Salonga. Sa tweet ni Lea ay sinabi nitong kasama sila ni Bamboo sa shooting ng Christmas Station ID, pero sa huling part lang sila nakitang dalawa.

Mas marami raw labas si Sarah sa video kaysa sa kanila, pero lahat ng boses nila ay naroon sa ID.

“Bamboo and I aren’t in the video much (except at the end..Sarah is in more than we are)..but all our voices are very present,” sey ni Lea.

Wala naman sa himig ni Lea na nagrireklamo siya sa pagpansin niya sa kokonting exposure niya at ni Bamboo sa Christmas SID.

Sa karugtong nitong tweet, nag-enjoy naman daw siya.

“It was fun looking back at the previous station previous station, ID’s, and singing them too.”

Regine tinuturuang maging kuripot ni Ogie

Ang laki ng ipinagbago ni Regine Velasquez mula nang magkatuluyan sila ni Ogie Alcasid, at naging travel buddy. Ito ang naging rebelasyon ng Asia’s Songbird sa kanyang Instagram nilang dalawa ni Ogie habang nasa Rome sila para sa natapos na “ASAP Natin ‘To” sa Rome.

Sa caption ng mga photo, nagpasalamat si Regine sa asawang si Ogie sa pagsasama nila sa mga trip abroad, lalo na ang itinerary na ibinibigay sa kanya ng nasabing mister.

Sabi ni Regine, nagbagong-buhay na ang kanyang asawa, na gaya rin niya ay nagbagong-buhay na rin dahil hindi lang shopping ang ginagawa nito sa tuwing magta-travel sila.

Hindi naman kataka-taka ang post ni Regine dahil sa dami ng mga branded bags, shoes na meron siya mula sa mga trip abroad niya. Sa pagbabagong buhay ni Regine, mas nakakaipon pa ito, at nakakatipid pa.

Neri Naig namigay ng burger dahil sa AshMatt

Tinupad ng misis ni Chito Miranda na si Neri Naig ang pangako nito mula sa naramdamang kasiyahan sa engagement ni Sarah Geronimo kay Matteo Guidicelli.

Nag-post si Neri ng video na makikitang namimigay siya ng burger sa mga taong nadadaanan niya sa lugar nila sa Alfonso, Cavite. Ang pagpapa-burger ni Neri ay galing sa kasiyahan niya nu’ng malamang engaged na si Sarah.

Favorite ni Neri si Sarah, at idol niya ito. Sey pa ni Neri, naaliw siya sa ibang mga fan ni Sarah na nagpa-fiesta pa para i-celebrate ang engagement ng Popstar, kaya hindi siya nagpahuli na magpa-burger sa mga kababayan niya.

Hindi kakilala ni Sarah si Neri, pero asam nito noon pa man na mauwi sa kasalan sina Matteo at ang Popstar Royalty.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy