Una sa Balita

Sarah enjoy magpadede kay Baby Kai

By
0 4,103

Nang dalawin namin ni Annabelle Rama si Sarah Lahbati sa hospital pagkatapos niyang manganak, mukhang okey na okey na siya kaagad.

Bale nagbe-breastfeed si Sarah at enjoy ito sa ganun. At ayon kay Richard, halos wala silang tulog noong Wednesday dahil 2:00AM pa lang ay nagpunta na sila sa hospital at 9:30AM na nga nanganak ang kanyang fiancé.

Ang cute ni Baby Kai at bukod sa kulot din ang buhok katulad ng kanyang Kuya Zion, mabalahibo ang bata.

Ang ilong ni Baby Kai ang unang sinipat ng kanyang Lola Annabelle. Natuwa si Bisaya nang makitang matangos na kaagad ang ilong ng bagong baby ng kanilang pamilya.

Maganda nga pala na magpa-5 na si Zion (birthday niya sa April 29) bago siya sinundan nina Richard at Sarah dahil mas excited na siya sa pagiging kuya at katulad ng mga bumibisita kay Baby Kai ay sobrang excited din si Zion sa kanyang baby brother.

Renz Fernandez mas kaelya-elya kina Dennis, Jason

Dahil summer na nga, maraming mga artista ang hindi na nagpapaawat sa pagdi-display ng kanilang mga katawan, huh!

Sa The One That Got Away romantic-comedy series ng GMA 7, nagulat ako dahil hindi lang ang girls na sina Lovi Poe, Rhian Ramos at Max Collins ang nagpapa-sexy!

Pati si Renz Fernandez na anak nina Rudy Fernandez (SLN) at Lorna Tolentino ay may topless scene rin sa may swimming pool.

Hindi nga nagpakabog si Renz kina Jason Abalos at Dennis Trillo na shirtless din, huh! Mas mabalahibo pala si Renz compared kina Jason at Dennis, kaya naman parang mas may L daw ang dating niya, ‘noh?!

I just wonder – ano kaya ang magiging reaction ni LT kapag nakita ang picture ni Renz na nagpa-sexy na rin?