Una sa Balita

SARAH, ELMO, DARREN, JAMES, BANGGAAN NA SA MYX MUSIC AWARDS 2017

By
0 4

Muli na namang kikilalanin ng MYX (#1 music channel sa bansa), ang pinakamagagaling na OPM artists ngayong taon sa MYX Music Awards ngayong gabi (March 16) sa Kia Theater.

Pinakamaraming nominasyon ngayon sina Elmo Magalona at Sarah Geronimo, na magkalaban din sa kategoryang Favorite Artist, kasama nina Darren Espanto, James Reid, at Julie Anne San Jose.

Kasama ang mga host mula sa MYX Squad na sina VJ Ai, Robi, Tippy, Donny, Sunny, Jairus, at Sharlene, papasayahin pa ang MYX Music Awards ng ilan sa mga top OPM artists tulad nina Gloc-9, KZ Tandingan, Jaya, Kiana Valenciano, Iñigo Pascual, Sue Ramirez, Daryl Ong, Jona, at Morisette.

Sina Elmo, Sarah, Darren, at James ay nominado rin sa kategoryang Favorite Song para sa kanilang mga kantang Kay Dali, Tala, 7 Minutes, at Randomantic kasabay ang PBB loveteam na Bailona (Ylona Garcia & Bailey May) para sa kantang O Pag-Ibig.

Sa kabuuan ay 17 MYX Music Awards ang ibibigay sa iba’t ibang mga kategorya, kasama pa ang MYX Magna Award na igagawad sa isang industry icon na malaki ang kontribusyon sa local music scene. Si Ogie Alcasid ang nakatanggap ng special recognition na ito last year.
Panoorin ang awards show live sa MYX. Maaari ring mapanood ang livestream nito sa official MYX site (http://myxph.com/), official Facebook account (facebook.com/MYX.Philippines/), official YouTube Channel (youtube.com/user/myxphdotcom), at sa iWant TV (http://www.iwantv.com.ph/).

Para sa karagdagang update, mag-log on sa www.myxph.com, at i-follow ang MYX sa Instagram (@myxph) at Twitter (@myxphilippines).

MOTORCYCLE DIARIES, HULING BIYAHE NA!

Sa loob ng anim na taon, maraming napunta­han si Jay Taruc sakay ng motorsiklo. Dinayo ng Motorcycle Diaries ang iba’t ibang lugar sa loob at labas ng Pilipinas para makapaghatid ng mga natatanging kuwento.

Ngayong Huwebes (March 16), babalikan ng Motorcycle Diaries ang mga hindi malilimutang pagla­lakbay ng programa.

Mula Pilipinas, Timog Silangang Asya hanggang sa Europa, samahan si Jay at ang mga tao sa likod ng programa na balikan ang kuwento ng mga taong nakilala nila na nagbigay ng inspirasyon at pag-asa.

Muli ring tunghayan ang mga istoryang pumukaw sa kamalayan at tumatak sa isipan.

Huwag bibitiw sa huling pag-arangkada ng Motorcycle Diaries ngayong Huwebes 10 p.m. sa GMA News TV.