Una sa Balita

Sarah ‘di naawat si Matteo sa pagtalon sa eroplano

By
0 1,008

Nalokah ang mga netizen sa ­naging tweet ng aktor at boyfriend ni Sarah Geronimo na si Matteo Guidicelli kamakailan.

Matapang at tila may pinapatamaan si Matteo sa tweet niyang “It’s YOUR life. Take control of it. PERIOD.”

Kaya super-react ang maraming fans ni Sarah na baka nga ang tweet na ito ni Matteo ay para sa kanilang idol. Iba’t ibang reaction ang nakuha ng tweet na ito ni Matteo. Merong sumasang-ayon sa kanya at meron din namang sinabi na sana hindi na lang dinaan sa social media at nag-usap na lang sila ni Sarah.

Heto ang ilang reaction:

“Omg Hwang nman sna Ky SG ung post n Matty I know love nya c Sarah .bka sa iba nman ung post nya kc na tetense ca Karina eh pero carry nman she did it well..oh ashmatt wlang ­ganyanan knkbhan kme.”

“Lets not be judgmental, baka this is for him para kumalma, baka kina­kabahan para sa jump. Or baka may mga tao nanaman na pinangungunahan sila like yong nasa tabloid. I do’nt think its for SG, kaya kalma lang. Magkasama pa nga daw sila kagabi. Kaya magpatrend nalang kayo for SG.”

“Next time be careful with what you tweet. People assume that this is sg. And, look nasa fashion pulis na kayo. Bina-bash na naman si Sarah at yung mommy niya. Grow up Matt. If you have issues with that person. Go and talk to them, di yung idadaan sa social media.”

“Paringgan ang gf sa social media kahit sino nman bumasa nito will all think its sg..use socmed to spread love and not bash.”

Tanggap na nga ng marami ang relasyon nina Matteo at Sarah, pero wala ngang nababanggit kung tanggap na ito ng pamilya ni Sarah.

Kilala kasi si Sarah na masyadong masunurin sa kanyang magulang, na kahit nasa hustong edad na siya para mag-asawa at magkaroon ng sariling buhay, nananaig pa rin ang pagiging masunuring anak niya.

Baka raw napuno na si Matteo kaya dinaan na niya sa social media ang lagi niyang sinasabi kay Sarah. Hinihintay na ng netizens ang magiging reaction ng stage mother ni Sarah na si Mommy Divine.

Pero kahapon din ay nag-post si Matteo sa IG niya ng tungkol sa ginawa niyang pagtalon sa eroplano, ha! May hinala ang mga fan na ito ang naging ugat ng tampuhan nila ni Sarah, dahil mukhang hindi nakinig si Matteo sa utos ni Sarah na huwag tumalon sa eroplano.

“My love, I flew today. Thank you Mama, Papa, @giorgiafguidicelli, @pguidi­celli and my Sarah for letting me jump out of a plane by myself. Sorry for the stress. I love you guys. #TheCobraHasLanded #ThankYouLORD.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy