Una sa Balita

Sarah bumida sa Vatican TV-Italy

By
0 511

Kitang-kita sa mukha ni ­Matteo Guidicelli ang pagiging proud boyfriend sa achievement ng girlfriend niyang si ­Sarah Geronimo, na kumanta nga ng pitong awitin sa harap mismo ni Pope Francis sa United Arab Emirates.

At sabi nga, libre ang pagkantang ‘yon ni Sarah. Na sa totoo lang ay may bayad naman talaga, pero tumanggi si Sarah na tanggapin ‘yon.

Sayang nga lang at hindi raw niya nasamahan si Sarah sa bonggang event na ‘yon.
“I wish! Sana talaga nasamahan ko siya. Sayang nga, eh.”

Kuwento ni ­Matteo, humingi ng tulong si Sarah sa ‘daddy’ ni Matteo sa tamang pagkanta, pagbigkas ng kantang Italyano.

“We’re all very proud talaga. Even my uncle from Italy, tumawag siya, sabi niya, Sarah came out at the Vatican TV,” nagni­ningning ang mga mata na kuwento pa rin ni Matteo. ­

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy