Una sa Balita

Sarah bugbog sarado sa mga fan ni Harry Styles

By
0 3,508

Noong Wednesday afternoon ay nag-post si Sarah Lahbati sa kanyang IG stories ng, ‘Anyone selling HS tickets for May 1?’

Ang ‘HS’ na tinutukoy ni Sarah sa kanyang Instagram story (@sarahlahbati) ay si Harry Styles (One Direction).

Eh, umalis ng bahay si Sarah kasama si Richard Gutierrez at nagpunta sa isang wake at pag-uwi niya, nagulat na lang siya dahil bina-bash na siya sa social media.

Wala kasing kamalay-malay si Sarah na nag-tweet pala ang isang accessory brand ng something like, “Congratulation Sarah Lahbati, you have two tickets” at ‘yon daw ang ikinagalit ng ibang fans ni Harry at kung ano-ano na ang sinabi about her.

“I posted on IG stories asking if anyone’s selling Harry Styles tickets. ‘Tapos habang busy ako sa life ko, wala akong kamalay-malay na binigyan na ako ng (pangalan ng accessory brand) ng two free tickets.

“So ngayon ‘yung ibang fans, galit na galit sakin dahil spoiled brat daw ako, privileged brat, ganito ganyan!

“Ako naman, ayoko ng away. May nagsasabi na galit ‘yung iba dahil sa inggit, pero ayokong mag-isip ng ganoon. So I replied, na huwag sila mag-assume that I have free tickets. Kalurks kasi sila. Nananahimik ako!” pahayag ni Sarah.

So, malinaw na malinaw na hindi nag-post si Sarah sa kanyang IG stories para maghanap ng free tickets. Ang hinahanap niya ay kung saan makakabili ng tickets para sa show ni Harry.

Actually, hindi nga sigurado kung kukunin ni Sarah ang free tickets na ibinibigay sa kanya dahil as of yesterday ay nagtanong pa siya sa akin kung saan ba siya puwedeng makabili para sa May 1 MOA Arena show ni Harry.

May mga nagsabi naman na hindi dapat nag-tweet ang nasabing accessory brand ng ganoon at dapat ay nag-private message na lang kay Sarah para hindi na lang na-bash ng ibang mga inggit na fans ang lovey-dovey ni Richard!