Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sarah, Anne, Vice Ganda bitbit? Willie, Boss Vic sanib puwersa sa Villar TV

0 885

Nagbabadya na ang bonggang pasabog ng AMBS, ang TV station ni former Sen. Manny Villar, at siyempre, si Willie Revillame nga ang na-assign na humawak ng posisyon bilang AMBS Executive.

Masisilip na nga sa Instagram account ng Viva Artist Agency ang photo na kasama ni Willie ang mga big boss ng Viva.

Heto nga ang caption sa photo nila:

“Look ang partnership na wow and win! Viva’s big bosses with AMBS Executives Willie Revillame and Ms. Maribeth Tolentino.

“Abangan ang mga exciting developments soon.“ In photo from L-R: Vincent Del Rosario, Boss Vic Del Rosario, Willie Revillame, Maribeth Tolentino, Veronique Del Rosario-Corpus.

So, kung partnership ang pag-uusapan, nangangahulugan na lahat ng palabas ng Viva ay mapapanood na sa AMBS sa hinaharap? Sa kasalukuyan, may mga show ang Viva na pinalalabas sa TV5.

Meaning, sa paglulunsad ng AMBS, at mga artista pa rin ng Viva ang makikita, bongga pa rin sila, ‘di ba? Mga Kapamilya star nga ang karamihang talent ng Viva.

At kung artista ang pag-uusapan, nandiyan sina Sarah Geronimo, Anne Curtis, Cristine Reyes, Julia Barretto, Nadine Lustre, Kylie Vezosa, Yassi Pressman, Diego Loyzaga, Coleen Garcia, siyempre si Vice Ganda.

Eh, for sure, isasalpak din ang mga artista ng Vivamax, di ba? For sure, mapapanood sa TV (Channel 2 pa rin naman ang gagamitin ng AMBS) ang mga hubaderang sina Angeli Khang, Cristine Bermas, Ayanna Misola, Ava Mendez, Sunshine Guimary, Micaella Raz, AJ Raval, at marami pang iba.

Samantala, sa bagong Station ID ng TV5, nakita na ngang kasama ang mga Kapamilya star na sina Coco Martin, Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, ASAP stars, at marami pang iba.

Medyo nangangapa pa ang lahat sa kung ano ba ang magiging future ng mga Kapamilya star sa telebisyon? Kalat-kalat pa kasi ang mga kuwento.

Pero, ang mukhang malinaw, hindi sila mababakante, dahil mas maraming nangangailangan sa kanila ngayon.

Tulad na lang ng AMBS na aminin natin lahat na hindi pa naman talaga kayang bumuo ng sangkatutak na show, o mag-create ng maraming show.

Remember, noong nagbalik sa telebisyon ang ABS-CBN, ang serbisyon ng Regal Films ni Mother Lily Monteverde ang bumuhay sa kanila. Halos lahat ng artista ng Regal, o mga Regal Babies, ay napanood noon sa Channel 2, di ba?

Halos lahat din ng pelikula ng Regal Films ay sa Channel 2 napanood noon. Kaya bumongga nang husto ang ABS-CBN, kahit bago-bago pa lang sila.

So, ganun din siguro ang mangyayari ngayon sa AMBS, na ang mga pelikula nila, mga TV show, mga artista nila, ang mapapanood sa istasyon nina Villar at Revillame.

Pero sa ngayon, sa GMA 7 nakipag-partner ang Regal Films, kaya napapanood sa Kapuso Network ang Regal Studio Presents, Mano Po Legacy.

Again, abang-abang na lang. Pero sa ngayon, bongga ang development, ang partnership ng Viva at ng AMBS, di ba?

Magandang sensyales na buhay na buhay pa rin ang mundo ng telebisyon. Magandang senyales na marami pa rin tayong mapapanood na mga TV show.

Eh, aminin kasi natin, na dahil sa mga streaming app tulad ng Netflix, iWantTFC, Vivamax, UpStream, nabawasan din talaga ang mga viewership ng free TV.

At wish namin, bumalik sa dating gawi, na ang free TV pa rin ang pinakapaboritong tutukan ng mga manonood.

Leave A Reply

Your email address will not be published.