Una sa Balita

Sara, Pulong ginapang ni Romualdez

0 352

Nakahanap ng mala­kas na padrino o emi­saryo si Speaker–wannabe Martin Romualdez sa pagnanais na masungkit ang inaasam na puwesto sa tulong at suporta nina Davao City Mayor Sara Duterte at Congressman-elect Paolo Duterte.

Nalaman ng Abante na hiwalay umanong nakipagpulong si Romualdez kina Mayor Sara at Cong. Paolo sa tulong ng emisaryong si Samuel Uy upang maitulak at mapalakas ang kanyang Speakership bid sa susunod na buwan sa pagbubukas ng 18th Congress.

Naglabasan ang mga pictures ng private mee­ting mula sa kampo ng reelected Leyte solon kung saan makikita si Uy na nakikipag-usap kina Romualdez, kasama ang mga anak ni Pangulong Rodrigo Duterte na sina Mayor Sara at Paolo sa Davao City.

Si Uy ay isa sa biggest campaign donor ni Pa­ngulong Duterte noong 2016 elections. Umabot umano sa P30 milyon ang naiambag ni Uy sa tagumpay ng presidential bid ng Chief Executive.

Si Uy ay dating classmate sa high school ng nakababatang kapatid ng Pangulo na si Benjamin.

Ang Davaoeño businessman ang may-ari ng Davao Farm Corporation—ang pinakama­laking egg supplier sa Southern Mindanao.

Bukod sa negos­yong itlog, si Uy ang nagmamay-ari din ng DIMSI Centre Inc., isang applianc­e store sa San Pedro, Davao City. Stockholder din siya ng Davao Import Distributor Inc. na nagbebenta ng vehicle brand ng Ford at Honda sa buon rehiyon.

Magugunitang ibinunyag noon ni dating SPO3 Arthur Lascanas, ang self-proclaimed hit man ng sinasabing Davao Death Squad (DDS) sa isang interview ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCOJ) noong 2017 na si Uy ang may-ari umano ng Grand Menseng Hotel, isang sikat na hotel sa Davao City. (JC Cahinhinan)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy