Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sara kinalat VP satellite office

0 116

Sa unang buong araw bilang bise presidente ay anim na satellite office ng Office of the Vice President (OVP) ni Sara Duterte-Carpio ang itinayo sa iba’t ibang panig ng bansa.

Matatagpuan ang anim na OVP satellite office sa Dagupan City, Cebu, Tacloban, Zamboanga, Davao at Tandag sa Surigao del Sur.

Sa Facebook post ay sinabi ni Duterte na sa pamamagitan ng mga opisina na ito, magiging madali at agaran ang access ng publiko sa mga serbisyong mula sa OVP.

“Sa aking unang buong araw bilang bise presidente, nagbukas po tayo ng mga satellite office sa iba’t ibang bahagi ng bansa upang matulungan ang ating mga kababayan na magkaroon ng madali at agarang access sa mga serbisyong mula sa Office of the Vice President,” ani VP Sara. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.