Una sa Balita

Sara kina Bato, Bong Go: Tuparin ang mga campaign promise

0 240

Nagbigay ng paalala si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio kina Senator-elect Christopher Lawrence ‘Bong’ Go at Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na tuparin ang lahat ng pinangako sa publiko sa nakarang kampanya.

Ginawa ni Mayor Duterte ang panawagang ito upang hindi masira sa publiko matapos na ikampanya niya ang dalawa bilang chair ng regional party Hugpong ng Pagbabago.

“They made campaign promises when we went around, the whole country heard that. They should make sure that their promises will be fulfilled,” giit ni Duterte.

“We wish them good luck and Davao City will always support all peace-loving individuals,” dagdag pa niya.

Siyam na kandidatong inendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte at ni Mayor Sara ang nanalo sa nakaraang halalan, habang 3 independent lamang ang nakalusot sa Magic 12.

Dahil sa matagum­pay na pangangampan­ya ni Mayor Duterte, marami ang nag-uudyok sa kanya na tumakbo sa 2022 presidential election pero wala pa ito sa plano ng presidential daughter.

Ayaw din ni Pangu­long Duterte na tumakbo ang kanyang anak at sumunod sa kanyang yapak

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy