Una sa Balita

Sara Duterte ‘di tatakbo sa 2019 senatorial polls

By
0 1,310

“Kuntento na ako sa pagbibigay-serbisyo sa mga taga Davao.”

Ito ang mga diretsahang tugon ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio sa mga ispekulasyon na tatakbo ito sa mas mataas na posisyon kung matutuloy ang 2019 elections.

“Wala akong planong­ tumakbo sa pagka-senador dahil kontento na ako sa dito sa Davao, sa pagbibi­gay ng serbisyo sa mga kababayan ko,” giit ng alkalde.

Idinagdag pa ng Presidential daughter na ito na rin ang kanyang huling termino bilang alkalde ng Davao at ikinokonsidera rin ang pagtakbo sa ibang local position pero sa kanila lamang ding lalawigan, at hindi na sa national positions.

Kamakalawa ay naging pangunahing­ pandangal sa 18th Hinugyaw Festival at 78th Foundation Anniversary ng Koronadal City ang alkalde.

Magugunita na kabilang si Sara Duterte sa top contenders o Ma­gic 12 sa May 2019 senatorial elections ayon sa mga lumabas na surveys.