Una sa Balita

Sara, Baste absent sa SONA; Duterte dedma

0 386

WALANG reaksyon si Pangulong Rodrigo Duterte sa hindi pagdalo ng kanyang dalawang anak sa ika-apat na State of the Nation Address (SONA) sa darating na Lunes, Hulyo 22.

Sinabi ni Presidential Communications Ope­rations Office (PCOO) Secretary Martin Anda­nar na magkasama sila ng Presidente noong Huwebes nang gabi at wala itong nababanggit hinggil sa hindi pagdalo nina Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio at Vice-Mayor Sebastian ‘Baste’ Duterte sa kanyang SONA.

Ang nabanggit aniya sa kanya ng Pangulo ay ang mga kawani at opisyal ng Bureau of Customs na ipinatawag nito sa Malacañang.

“Magkasama kami ni Presidente kagabi at wala naman siyang nabanggit tungkol diyan at instead iyong napag-usapan ay iyong sa Bureau of Customs na kianusap niya,” ani Andanar.

Sinabi ng kalihim na abala ang bise-alkalde sa mga trabaho sa Davao na dapat harapin, lalo na ay nakabakasyon si Mayor Sara.

Hangad naman ni Andanar ang mabilis na paggaling ni Mayor Sara na ngayon ay naka-medical leave.

Nauna rito, inihayag ng alkalde na hindi siya makakadalo sa SONA ng kanyang ama dahil sa kanyang kondisyong pangkalusugan. (Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy