Una sa Balita

Sara, Albee, Francis, JV pambato ng PDP-Laban sa Senado

By
0 572

NAGSUMITE na si Sen. Aquilino Pimentel Jr., kay Pangulong Rodrigo Duterte ng listahan ng 19 na kandidatong pagpipilian para bumuo sa senatorial slate na isasabak ng kanilang partido sa darating na eleksiyon sa Mayo.

Bilang chairman ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban), sinabi ni Pimentel na habang maaga ay mahalagang makabuo na sila ng kompletong listahan ng kanilang mga kandidato.

Bukod sa limang reelectionist senator mula sa coalition majority sa Senado, sinabi ni Pimentel na kabilang sa mga paborito at potensiyal na kandidato sa pagka-senador ng PDP-Laban sina Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, dating PNP chief Ronald ‘Bato’ dela Rosa, Sen. JV Ejercito, action star Robin Padilla, da­ting MMDA chairman Francis Tolentino at Negros Occidental Rep. Albee Benitez.

Sina Benitez, Ejercito at Tolentino ay nagsusulat sa pahayagang Abante at Abante-Tonite ukol sa mga usapin sa gobyerno at mga programa ng pamahalaan na magbibigay ng pakinabang para sa kanilang mga nasasakupan ay pasok din sa pambato ng PDP-Laban. (Mia Billones)