Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sapol ng South African variant sa Pasay nadagdagan

0 103

KINUMPIRMA ng Department of Health (DOH) na isa pa sa anim na kaso ng South African COVID-19 variant ay mula sa Pasay City dahilan para umakyat sa apat ang kaso ng variant sa lungsod.

“Anim po lahat, apat dito ay galing sa mga residente mula sa Pasay City at dalawa po ay mga returning overseas Filipino (ROF) galing UAE and Qatar,” ayon kay Dr. Alethea de Guzman, medical specialist ng DOH Epidemiology Bureau.

Una nang sinabi ng DOH na bineberipika pa kung lokal o returning overseas Filipino workers ang isang kaso bukod sa tatlong nakumpirma na residente sa Pa­say na nagpositibo sa South African variant B.1.351 at 2 ang ROF.

Ayon sa DOH, 48 bansa na ang napaulat na may B.1.351 variant ng SARS-CoV-2, ang virus na sanhi ng COVID 19.

Sinabi rin ng DOH na sa kabila na walang ebidensiya na ang va­riant ay nagdudulot ng mas mala­lang sakit pero ito ay mas mabilis na nakakahawa, gayundin ay nagkakaroon ito ng impact sa vaccine efficacy. (Juliet de Loza-Cudia)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.