Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sapaw sa 2020! PH binaha ng imported rice

0 216

Umabot na sa 2.18 milyong toneladang imported rice ang pumasok sa bansa as of October 8 ngayong taon, higit pa sa pumasok na imported rice na dumating noong 2020, ayon sa Department of Finance (DOF).

Ayon sa datos ng Bureau of Plant Industry, 2.099 milyong tonelada lamang ang dumating sa bansa sa buong 2020.

Ang pagbaha ng imported rice ang sinisisi ng mga magsasaka sa pagbagsak ng presyo ng palay ngayong panahon ng ani.

Sa pahayag ng DOF, 2.18 milyong toneladang bigas na ang dumating sa bansa mula January 1 hanggang October 8 at P14.3 bilyong taripa na ang nakolekta ng Bureau of Customs mula sa imported rice samantalang ang taripang nakolekta sa parehong panahon noong 2020 ay nasa P13.84 bilyon.

Ayon sa DOF, sinisi ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero sa pagbaba ng presyo ng bigas sa world market ang maliit na paglago sa koleksiyon ng taripa. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.