Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sapatos ni Didal hango sa kakanin

0 69

KAKAIBANG sining ang lumalaro sa utak ni Pinay skater Margielyn Didal nang ibahagi niya ang kanyang sariling sapatos mula sa New Balance na inspired sa kakanin ng Cebu na ‘pusô’.

Ang nasabing sapatos ay disenyong black suede na may kulay berdeng woven texture na hango sa pambalot ng nabanggit na ‘rice cake.’

Inamin ni Didal na noong bata pa siya ay nagbebenta na siya ng kakanin sa mga kanto kaya malapit ito sa kanyang puso.

Related Posts

“My inspiration for my new shoes is the ‘pusô’, it is made of rice covered with coconut leaves. You see the details on the side, when you touch it, it’s like holding the pusô,” kuwento ng 22-anyos na skater.

Magugunitang lumahok si Didal sa katatapos lang na 2020 Tokyo Olympics.

Sa katunayan ay suot niya noon ang isa pa niyang sapatos na siya mismo ang nagdisenyo. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.