Una sa Balita

Sapat at malinis na tubig

By
0 66

Ang tubig ay buhay. Ang ating katawan ay tinatayang limampung porsyento hanggang pitumpu’t limang porsyentong tubig. Tulad ng pagkain, isa ito sa mga pangunahing pangangailangan ng tao upang mapanatili ang lakas, lusog at sigla ng katawan. Kung kaya nga’t paulit-ulit na binibigyangdiin ang kahalagahan ng sapat at malinis na tubig hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo. Sa patuloy na pagdami ng populasyon ng ating bansa, makasisiguro pa kaya tayong mga Pilipino ng kasapatan at kalinisan ng tubig sa hinaharap?

Kritikal sa pag-unlad ang paggamit ng tubig. Sa agrikultura, lubhang kailangan ang sapat nasuplay ng tubig sa pagtatanim at pangangalaga sa mga produktong agrikultural. Gayundin, ang pagdami ng mga industriya ay may kaakibat na dagdag na pangangailangan sa tubig. At tulad ng atin nang nabanggit, ang pag-akyat ng bilang ng mga tao lalong-lalo na sa mga urban area ay nagpapataas din ng domestico lokal na pangangailangan sa tubig.

Bagama’t ayons adatos ng UNICEF ay 91% ng polpulasyon sa Pilipinas ang may pinagkukunan ng basic water services, nananatiling isang hamon ang kasapatan ng mga pinagkukunan na tubig sa bansa at ang kakayanan ng mga yamangtubig na ito na tustusan ang mabilis napag-akyat ng pangangailangan sa tubig nakaakibat ng industriyalisasyon at paglobo ng populasyon. Dagdag pa dito, malaking hamon din ang pagkawasak ng ating mga yamangtubig dahil sa polusyon at reclamation. Naka­babahala ang banta na maaring maidulot ng kakulangan sa tubig sa pag-unlad at kalusugan ng mga Pilipino.

Sa pagtahak natin sa landas ng pag-unlad, nararapat din marahil na isaalang-alang sa paggawa ng mga batas o sa pag-amyenda sa mga ito ang mga pre-emptive measures hindi lamang upang masiguro ang kalinisan ng tubig ng mga Pilipino kundi maging ang sustainability ng mga pinagkukunan nito. Ang pagbalangkas ng Department of Water Resources Management na kahalintulad ng mga ahensiya ng nasa Vietnam, Thailand at China na siyang mangangasiwa at maniniguro ng kasapatan ng tubig at sustainability ng pinagkukunannito, ay isang mungkahing nais kong isulong.

Bagama’t naririyan ang Department of Environment and Natural Resources na may mandatong mangalaga sa kalikasan sa bansa, mas mabuti marahil ang pagkakaroon ng isang tanggapan ng pamahalaan na ang tanging pagtutuunan ng pansin ay ang kasapatan ng tubig sa bansa at ang pangmatagalang pagkabuhay ng mga pinagkukunan ng biyayang ito.