Una sa Balita

Sanya, Winwyn patapangan sa hubaran

0 504

Ni: Rose Garcia

Maswerte si Sanya Lopez dahil talaga namang nang magsimula siya sa “Encantadia” bilang isa sa mga Sang’gre, aminado itong nakatanggap ng pagtataas ng kilay o pangunguwestiyon ng ilan kung bakit siya ang napili.

Pero na-prove ni Sanya na karapat-dapat nga siya dahil since “Encantadia,” aba, sunod-sunod na ang malala­king projects na ginawa niya sa Kapuso network. Hindi halos nabakante si Sanya at talagang puro lead roles ang ipinagkatiwala sa kanya ng network.

Sabi nga namin sa kanya, considered as one of the prime stars na siya of Kapuso. Naging leading men na rin niya ang top actors ng network at ngayon, bida na naman siya sa magiging afternoon prime, ang “Nang Dahil sa Pag-Ibig” na nagsimula nang mag-taping kahapon.

“Hindi pa rin ako makapaniwala na ganu’n na ang tiwalang binibigay sa akin ng GMA. Kakatapos lang ng isa kong show, may bago na ulit,” sabi nga ni Sanya.

Ang “Cain at Abel” ang huling serye ni Sanya at mukhang siya ang unang may kapalit agad.

Sexy, daring at mas intense raw ang kuwento ng “Nang Dahil sa Pag-Ibig” at gagawin nila nina Winwyn Marquez, Pancho Magno at Benjamin Alves.

Buti na lang daw, hindi lang naman siya ang magpapaka-daring sa serye nila, silang lahat daw.

Rocco ayaw makatrabaho si Sanya

Supposedly reunion project na sana nila ni Rocco Nacino ang “Nang Dahil sa Pag-Ibig.” Nakapag-storycon na rin si Rocco, pero hindi na ito natuloy, sa halip ay pinalitan ng another Kapuso actor, which is si Benjamin nga.

Sabi naman ni Sanya, wala naman daw silang isyu talaga ni Rocco at okay naman daw silang dalawa. Pero inamin ni Sanya na medyo napaisip din daw siya nang malaman niyang hindi na ito matutuloy.

“Okay naman kami, ang dami rin naming pinagsamahan. Pero noong time na mawala si Rocco, nagtanong lang din ako kung bakit, ha? ‘Bakit? Dahil ba sa akin?’” natawang sabi niya.

Napaisip daw siya kung dahil ba siya ang leading lady, pero dahil okay naman daw sila, naisip din naman daw niya na siguro, may iba talaga itong gagawin.

Nanghinayang din si Sanya na hindi na si Rocco, pero excited rin daw siya na may bago na naman siyang makakatrabaho at magiging leading man, which is si Benjamin naman.

“Nagkasama naman kami sa ‘Dear Uge’ dati, pero light lang. Ngayon ‘yung drama talaga, tapos intense pa.”

Alden ‘bad boy look’ para kay Kathryn

May title na ang kasaluku­yang sinu-shoot na Star Cinema movie nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Hindi na lang ito #KathrynBernardoAldenRichardsMovie2019, ang title ng movie romantic drama nila ay “Hello, Love, Goodbye.”

Mukhang ibang Alden ang mapapanood nga sa pelikula dahil pag-alis pa lang niya papuntang Hong Kong, nandiyang may pa-hikaw ito at may tattoo. May balbas din siya sa mga picture na lumabas habang nasa HK sila, so posibleng part of his character rin ‘yun.

Excitement ang nababasa namin sa mga comment. Feeling daw nila, sa title pa lang ng movie, “ma­panakit na ito.” Sey ng isa, “Papaiyakin n’yo talaga kami ‘noh? Title pa lang, grabidad na sa feelings.”

Good vibes ang majority ng nababasa namin ngayon. In fact, may nabasa pa kaming nagpasa­lamat ang ilang Kathryn fans sa pag-welcome o pagtanggap daw ng Alden fans sa kanilang idolo.

At alam daw nila na parehong professional ang da­lawa at ibibi­gay ang mga best nila.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy