Una sa Balita

Sanya tomboy? Paasa lang sa lalake

By
0 54

Hindi pa nagkakaroon ng boyfriend ang Haplos star na si Sanya Lopez kaya nakapagsalita ito na baka sa 2018, puwede nang magkaroon siya ng karelasyon.

“May mga nagbalak pero hindi ko masyadong ine-entertain. Siguro hindi nila kayang tagalan ‘yung hindi ko masyadong ine-entertain. Sabi ko kasi, kung gusto mo talaga ako eh ‘di maghintay ka. Wala pa talaga sa akin ‘yung in love,” ang sabi ni Sanya na tumanggi na sabihin ang pangalan ng Kapuso actor na nanligaw sa kanya.

Medyo nabulol si Sanya nang may magbanggit ng pangalan ni Rocco Nacino, ang love interest niya sa afternoon drama series ng GMA 7.

“Sa ngayon talaga, wala pa. Hindi ko ma-feel. Hindi naman po ako tomboy. Siguro, dara­ting din ‘yung time. Hindi pa siguro ngayon ang panahon,” ani Sanya na aminado na nakakaramdam ng inggit kapag nakakakita ng mga magkakarelasyon na malambing sa isa’t isa.