Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sanya tigang pa rin sa boylet

0 128

Pinagdiinan ni Sanya Lopez na “no boyfriend since birth” pa rin siya. Hindi pa raw niya maisip kung ano ang magandang maidudulot sa kinabukasan kung sakaling pumasok siya sa relasyon.

May mga nanligaw naman kay Sanya, pero choice raw niya na huwag munang magkaroon ng boyfriend. Focus daw siya sa trabaho, pamilya para hindi na sila maghirap tulad dati.

“Yes! By choice talaga. Baka kasi kapag nag-focus ako sa kanya, o sa boyfriend, ‘yung career ko ang mapabayaan. Sabi nga ng mga nanliligaw sa akin, overthinker raw ako. Kumbaga parang iniisip ko na ‘yung for the future. Kahit medyo nahihirapan ‘yung mga tao, chill lang, eh hindi ako ‘yung tipo ng tao na relax lang, na ‘chill lang tayo ngayon.’ Gusto ko, ano ‘yung future natin?'” sey ni Sanya.

Pero siyempre, ang hanap siya sa lalake ay loyal, marespeto sa babae at pamilya.

“Hindi ko gusto ang lokohan! Gusto ko `yung mahal na mahal ako. Bonus na lang kung gwapo, may abs. Wow!” sabi pa niya.

At giit pa niya, kapag nag-boyfriend daw siya, gusto niya na `yun na ang mapangasawa niya.

“Nandoon ako sa moment na kapag naging boyfriend kita, posible na ikaw na rin ‘yung sa future ko.” (Ruel Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.