Una sa Balita

Sanya-Rocco next in line sa kasalan nina Pancho-Max?

By
Sanya at Rocco
0 18

Isa sa mga inabangan nitong linggo ay ang kasalan nina Pancho Magno at Max Collins.

Kahit ang co-stars ni Pancho sa GMA Afternoon Prime series na Haplos na sina Sanya Lopez, Rocco Nacino, Thea Tolentino at Emilio Garcia ay in full force sa pinaka-espesyal na araw ng Kapuso actor.

Natuwa kami sa photos na nakita namin sa kani-kanilang social media accounts.

Aura kung aura talaga ang peg ng mga ito. Iba na rin talaga ang nabuong closeness sa kanila.

Ultimo kasi sa Instagram stories ng mga ito du­ring the ceremony and reception ay sila-sila ang magkakasama.

Kahit nga masyadong mabibigat ang eksena nila sa serye nila, tila enjoy na enjoy niyo talaga ang compan­y ng isa’t isa, huh!

Pero ang tanong, sina Sanya at Rocco na ba ang susunod kina Pancho at Max?
Naku, wala pa ngang aminan, eh!