Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sanya pantasya ng anak ni Yorme

0 177

Hindi si Cassy Legaspi, na anak nina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi ang bet ni JD Domagoso, kundi ang mismong bida ng teleseryeng ‘First Yaya’ na si Sanya Lopez.

Sey ni JD, matagal na niyang crush si Sanya simula noong mapanood niya ito bilang Danaya sa reboot ng Encantadia sa GMA-7.

“Sobrang crush ko po si Sanya. Lagi ko siyang pinapanood kasi she’s so beautiful at sexy pa. Hindi nga po ako makapaniwala na sa first teleserye ko, si Sanya ang makakasama ko. It’s too good to be true!” sabi ni JD.

Aba, mahilig pala sa seksi ang anak ni Yorme, ha!

Anyway, si Cassy naman ay mabilis na nakasundo si Sanya.

“We bonded instantly. We just did one scene and bigla na kaming naging good friends. Siya yung madalas kong kakuwentuhan, you know about girl stuffs. Kasi nga, I don’t have a sister and Sanya was like my big sister on the set. She gives me advises on personal things and she’s very, very nice to everybody on the set,” sey ni Cassy. (Ruel Mendoza)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.