Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sanya natulala sa ganda ni Alice

0 321

Natulala si Sanya Lopez kay Alice Dixson nang makaharap niya ito sa lock-in taping ng ‘First Lady’. Gaganap si Alice bilang si Ingrid Domingo, ang bagong magiging kontrabida ni Melody.

Bukod daw kasi sa mahusay itong aktres, natulala siya sa ganda ni Alice in person.

“Actually, nung una ko siyang nakita, wala akong nagawa kundi natulala na lang talaga ako sa kanya kasi ang ganda niya tapos ang galing niya pa umarte. Kaya na-excite talaga akong makatrabaho siya nung nabalitaan ko pa lang na makakasama ko siya sa First Lady,” sey ni Sanya.

Mas marami raw na pagsubok na haharapin si Melody ngayon at hindi na siya yaya kundi First Lady na siya ni President Glenn Acosta (Gabby Concepcion).

“Kung nagustuhan nila ‘yung First Yaya, mas lalo nilang magugustuhan ang part two ngayon na mas pinagbutihan at ginawang masaya pa lalo ng aming direktor na si Direk LA Madridejo at mga writer itong kuwento ng First Lady. Abangan niyo rin ang mga bagong karakter na dadating dito. Of course, si Ingrid, ano nga ba ang mangyayari kay Ingrid at kay Melody. Ano nga ba ang magiging ganap niya rito?” diin pa ni Sanya. (Ruel Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.