Una sa Balita

Sanya Lopez at Ritz Azul, pinagsasabong!

By
0 8

May sagot si Sanya Lopez sa mga tao na pilit na pinagsasabong sila ni Ritz Azul,ang lead actress ng The Promise of Forever ng ABS CBN. May “history” sina Sanya at Ritz kahit hindi pa sila nagkakasama sa isang television show.

Pareho na nag-audition ang dalawa para sa Danaya role ng Encantadia pero si Sanya ang napili.

Natapos ang Encantadia noong May 2017 at binigyan si Sanya ng GMA 7 ng bagong project, ang Haplos na katapat na programa ng The Promise of Forever na pinagbibidahan naman ni Ritz.

“Napapanood ko po siya before sa TV5. Naging fan din naman ako ni Ritz Azul noon kasi nakita ko kung paano siya umarte. Magaling din po siya.

“Nahihiya po ako pero thank you po. Nahihiya po ako dahil ganoon ang naiisip nila (ng mga tao). Siguro, nagkataon lang na…

“Hindi ko ma-explain eh. I’m thankful na lang kung ano ang nangyayari sa akin pero kung anuman po ‘yung nangyayari kay Ritz, hindi po natin masasabi. Malay natin, may ibang plan para sa kanya.

“Na-meet ko siya one time, sa audition ng Danaya ng Encantadia. Isang beses lang po. Pang-5th audition ko yata ‘yon. ‘Yun na ang huling audition ko,” ang sabi ni Sanya na nahihiya at ayaw palakihin ang mga sinasabi ng mga nang-iintriga na tinatalo ng Haplos ang show ni Ritz sa ratings.

Janice de Belen at Ricky Davao, riot ang ‘away’ at ‘agawan’ sa lalake!

Ngayong gabi ang pilot telecast ng The Good Son, ang family drama ng ABS CBN na biggest television break ni Joshua Garcia. Co-stars ni Joshua sa The Good Son sina Eula Valdez, Albert Martinez, Mylene Dizon,Mccoy de Leon at ang ibang mga young star ng ABS CBN.

Ang My Korean Jagiya ng GMA 7 ang makakatapat na programa ng The Good Son pero hindi nababahala ang mga artista ng primetime romantic comedy series ng Kapuso Network dahil naniniwala sila na maganda at nakakaaliw ang kanilang programa.

Ikinuwento nina Ricky Davao at Janice de Belen na malapit nang mapanood sa My Korean Jagiya ang kanilang sibling rivalry dahil sa isang lalake na kapwa nila napupusuan at ginagampanan ni Raymart Santiago.

“Ipinagluto niya (ni Janice) ng pechay, sinabawan na pechay. Binigyan ko ng saging.

“Ang eksena ni Janice kay Raymart, ‘Oy ipinagluto kita ng sinabawan na pechay.

“Sabi ni Raymart, ‘ Uy paborito ko itong pechay.’

“Eh nasa likod ako. Sabi ko, may dala akong panghimagas, saging. ‘Yan ang pinakamasarap na saging!”

Sabi ni Raymart, ‘Ay naku mahilig din ako sa saging!’

“Dadalhan kita ng mas maraming saging. Sabay tayo na kakain ng saging mo, hahahaha!” ang tawang-tawa na kuwento ni Ricky tungkol sa riot at SPG scenes ng pag-aagawan nila ni Janice kay Raymart.