Una sa Balita

Sanya feeling virgin, basa sa lampungan ni Derrick

By
0 2,508

Dahil ‘virgin’ pa ang Kapuso actress na si Sanya Lopez sa pakikipagrelasyon, inamin ng aktres na hindi niya alam kung paano ang magiging reaction niya sa nakunang love scene nila ni Derrick Monasterio sa pelikulang ginagawa nila ngayon.

Ayon kay Sanya, wala raw siyang mahugutan na emosyon sa naging eksena nila ng Derrick. Pero naging supportive naman ang Kapuso hunk at sinabi nito kay Sanya na magtiwala lang daw siya rito at magiging professional ito sa kanilang mga eksena.

“Pinagpawisan talaga ako. Pero nag-rehearse naman kami ni Derrick. Para alam namin ang mangyayari at ‘yung alam ko ang magiging tamang reaksyon ko.

“Alam n’yo naman ako, never pa ako nagkaroon ng boyfriend talaga. NBSB (No Boyfriend Since Birth) ako,” diin pa ni Sanya.

Malaking tulong daw ang matututunan niya sa mga naging eksena nila ni Derrick para sa pagganap ni Sanya bilang misis ni Dennis Trillo sa upco­ming teleserye na “Cain at Abel”.

Ibang challenge naman daw kay Sanya ang role niya sa “Cain at Abel” dahil bukod sa pagiging misis ay gaganap din siya na isang ina.

“First time kong gaganap sa isang mother role kaya malaking challenge iyon.

“Pero ang gumanap na misis ni Dennis, madali na ‘yan para sa akin!

“Tutal nakapag-workshop na ako kay Derrick kung ano ang feeling na magkaroon ng boyfriend. Ia-apply ko na lang iyon sa pagiging misis ni Dennis!” pagtapos pa ni Sanya Lopez.