Una sa Balita

Sanya, Derrick sex scene mas malala sa ‘Fifty Shades…’

0 1,839

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloyMay pangakong pataubin ng ‘Wild and Free’ nina ang mga sexual scene ng top-grosser Hollywood sexy movie na ‘Fifty Shades of Grey’. Ito ang paniniwala ni Derrick matapos niyang mapanood ang ilang intimate scene nila ni Sanya na dinirek ni Connie Macatuno, sa produksyon ng Regal Entertainment Inc.

Kuwento ni Derrick sa panayam namin matapos ang presscon proper ng pelikula na ginanap sa Valencia Events Place nung Martes nang gabi, hindi raw niya gustong panoorin ang isa sa matinding intimate scene nila ni Sanya.

Nasilip na raw niya ang ilan sa kanilang mainit na eksena ni Sanya sa isang resort Pa¬ngasinan habang nagda-dubbing siya. Napaatras daw siya sa mikropono habang pinapanood ang eksena, dahil sa tindi ng kanilang ginawa ni Sanya.

Pati raw ang in-charge sa dubbing ay napamura sa impact ng kanilang sex scene. Hindi alam ni Derrick kung saan niya hinugot ang lakas ng loob na gawin ang eksena, lalo at ngayon pa lang siya talaga gumawa ng ganun.

Mas detalyado raw ang mga galaw nila ni Sanya, na ayon pa rin sa aktor ay may ‘dila’ na lumabas. Kaya tama lang na pang-adult ang kanilang pelikula sa mga sinehan.

Hindi itinanggi ni Derrick na naranasan na niya sa tunay na buhay ang ginawa nila ni Sanya sa harap ng kamera. Pero iba raw ang naging impact sa kanya sa nakita niya dahil tutok daw ang kamera sa lahat ng anggulo at galaw nila ni Sanya.

***

Mula nung lumabas sa The Clash at mapabilang sa Top 6, sa magaganap na grand finals nito sa GMA-7, nakaranas na raw nang pamba-bash sa social media si Golden Cañedo. Si Golden ang tinaguriang ‘Golden Voice ng Cebu’ dahil sa ganda at taas ng range ng kanyang tinig.

Sa edad na 16 ni Golden, nag-iwan na agad ng marka ang dalagita sa milyong fans ng The Clash, dahil sa galing niyang bumirit.

Marami rin ang nagsabing kamukha siya ni Sarah Geronimo at Morisette Amon, dahilan para makatanggap siya ng panlalait mula sa kung sino-sino. Ilan kasi sa mga fan ni Sarah ang nanlilibak kay Golden na hindi naman sadya ng huli na masabihang look-alike ng kanilang idol.

Nasabihan na si Golden na hindi nya kailanman mapapantayan o mahihigitan si Sarah. At sabi naman ng dalagita, hindi naman talaga niya mapapantayan si Sarah kahit kailan.

Kabilang sa makakalaban ni Golden sa grand finals ngayong Sept. 30 na gagawin sa GMA7 studio ay sina Anthony Rosaldo (Ang matinik na Heartthrob ng Valenzuela), Garrett Bolden (Ang Tower of Power ng Olongapo), Jong Madaliday (Trending R&B Star ng North Cotabato), Josh Adornado (Cute Crooner ng Cagayan De Oro) at Mirriam Manalo (Fierce Diva ng Pampanga).

Sa social media account ko na pinost ko ang pagkanta ni Golden ng ‘Kailangan Kita’ sa presscon ay umani na agad ng favorable comments ang Cebuana.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More