Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sanya binalaan ni Bong sa paglaki ng ulo

0 67

Bongga agad ang rating ng ‘Agimat ng Agila’ nina Sen. Bong Revilla, Jr., Sanya Lopez, Michelle Dee, Ian Ignacio, Allen Dizon, Benjie Paras, at marami pang iba sa GMA 7.

At ngayon pa lang, ang dami na agad nag-congratulate kay Sanya, na lahat daw ng proyekto nito ay pumapatok sa mga manonood, ha!

“Sanya is a very good actress, very talented ,handang matuto, madagdagan ang kaalaman niya sa pag arte,” sabi ni Bong kay Sanya.

“Palagi kong sinasabi sa kanya na malayo ang mararating niya.

“At nangyayari na nga `yon ngayon, very successful ang ‘First Yaya’, at heto nga, pati na ang ‘Agimat ng Agila’.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Sabi ko nga sa kanya, huwag lang lalaki ang ulo, bawal na bawal ‘yan, na kailangan palaging nakatungtong ang mga paa sa lupa,” saad pa ni Sen. Bong.

Anyway, parang pamilya raw ang turingan nila sa set, dahil sabay-sabay silang lahat kumakain. Hindi raw pumapayag si Sen. Bong na kumakain na ang iba, at nakatunganga lang ang iba.

“Maaga si Sen. Bong sa set, at parang pamilya talaga kami, na kailangan sabay-sabay kaming kumakain,” sabi naman ni Sanya.

Well… (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.