Una sa Balita

Sanya bet ligawan ni Renz Fernandez

By
0 608

Hindi namin alam kung seryoso si Renz Fernandez sa pagsabi na type na type niya ang Cain at Abel co-star niya na si Sanya Lopez. Ayon pa kay Renz, gandang-ganda siya kay Sanya at naseseksihan siya rito. Type daw niya ang tulad ng Kapuso actress na simple lang ang dating pero malakas ang sex appeal.

Nagkasama na raw sila ni Sanya sa isang eksena sa Cain at Abel. Pero noon pa raw niya napapansin ang simpleng ganda ni Sanya.

“Type ko ang mga simple lang ang dating. Tulad ni Sanya, iba ang ganda niya, eh,” ngiti pa ni Renz.

Sa tanong namin kung type ba niyang ligawan si Sanya, mabilis sumagot ng ‘Oo’ si Renz.

“Bakit naman hindi? Single naman ako. Matagal na akong walang girlfriend. Sa pagkakaalam ko rin ay wala ring boyfriend si Sanya… Puwede naman. Tingnan natin. Gusto ko pa siyang makilala ng husto,” diin ni Renz.

Nakakapagtaka na sa guwapo ni Renz ay matagal na itong walang girlfriend. ‘Yung last relationship daw niya sa isang non-showbiz girl ay tumagal lang ng 7 months.

“Bago ‘yon, yung huli ko pang relationship was kay Maxene Magalona. Gano’n ako katagal na walang nakarelasyon.

“Ito ngang huli, se­ven months lang kami. Hindi nag-work out. Feeling ko inaayawan ako ng mga babae, eh. Ewan ko kung bakit,” sabay tawa pa. Si Renz ay gumaganap na isang pulis na tumutugis kay Dennis Trillo sa Cain at Abel ng GMA-7.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy