Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Santos walastik kontra San Beda

0 121

BINITBIT ni super rookie at No. 1 scorer Katherine Santos ang San Sebastian College-Recoletos Lady Stags upang takasan ang masigasig na San Beda University Lady Red Spikers sa pambihirang 25-21, 23-25, 30-32, 25-23, 15-13 win sa unang laro ng 97th National Collegiate Athletic Association (NCAA) women’s volleyball tournament sa Paco Arena sa Maynila, kahapon.

Rumehistro ang tubong Malolos, Bulacan na outside hitter ng career-high 24 points mula sa 22 atake at 2 service ace upang makabawi sa pangwawalis ng undefeated College of St. Benilde Lady Blazers noong nagdaang Biyernes.m

Uangat sa 5-2 kartada ang Recto-based lady spikers para sa ikatlong puwesto.

Bumagsak naman sa 2-5 marka ang SBU Lady Red Spikers katabla ang Perpetual Help Lady Altas at Aguinaldo Lady Generals, kung saan nasayang ang impresibong laro ng magkapatid na Marianne at Maxine Tayag na humataw ng 15 at 14 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Sunod na makakalaban ng Mendiola-based volleybelles ang Jose Rizal-U Lady Bombers sa Biyernes at Perpetual Lady Altas para sa huling laro sa Linggo. (Gerard Arce)

Leave A Reply

Your email address will not be published.