Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Santos ibubuhos ngitngit vs Beda

0 111

Teams W L
St. Benilde 7 0
Arellano 6 1
San Sebastian 4 2
Mapua 4 3
Lyceum 3 4
JRU 3 4
San Beda 2 4
Perpetual 2 5
EAC 2 5
Letran 1 5

Mga Laro Ngayon: (Paco Arena)
12:00noon — San Sebastian vs San Beda
2:30pm — EAC vs Arellano

TARGET na makabawi sa matamlay na laro ni rookie hitter Katherine Santos upang matulungan ang San Sebastian-Recoletos Lady Stags na mapatibay ang pagkakahawak sa ikatlong puwesto at manatiling nakatuon ang pansin sa semifinal berth laban sa delikadong San Beda University Lady Red Spikers na naghahanap ng kanilang ikatlong sunod na panalo sa nalalapit na pagtatapos ng elimination round ng 97th National Collegiate Athletic Association (NCAA) women’s volleyball tournament sa Paco Arena Martes ng hapon.

Matapos ang tatlong sunod na panalo kontra sa defending champions Arellano University Lady Chiefs, Jose Rizal-U Lady Bombers at Perpetual Help Lady Altas, sumadsad ang Recto-based lady spikers sa undefeated College of St. Benilde Lady Blazers sa straight sets 11-25, 22-25, 14-25 nitong Biyernes.

Kumana lamang ng 10 puntos si Santos kasunod ng pagratsada ng game-high 22 sa panalo laban sa JRU at 18 kontra Perpetual.

Pumasok lamang ang 8-sa-30 atake ni Santos, habang 1-sa-10 serve nito ang nakakuha ng puntos.

Pilit na susubukang umahon ng SSC Lady Stags na mayroong 4-2 kartada.

Aasam ng ayuda si Santos mula sa mga beteranong manlalaro ni coach Roger Gurayeb na sina Reyann Canete, Bianca Ordona, Kristine Dioniso, Kamille Tan, Alexa Sison at Jewelle Bermillo. (Gerard Arce)

Leave A Reply

Your email address will not be published.