Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Santo Papa nagtalaga ng bagong Cebu auxiliary bishop

0 123

Inihayag kahapon ni Arhbishop Jose Palma ang pagkakatalaga ng Santo Papa kay Rev. Ruben Labajo bilang bagong auxiliary bishop ng Cebu.

Si Msgr. Ruben Labajo ang kasalukuyang Vicar General ng Archdiocese of Cebu at moderator ng St. Francis Assisi Parish sa bayan ng Balamban.

Lumaki ang 56-anyos na pari sa Talisay City sa Cebu, nakumpleto ang kanyang pag-aaral sa philosophy at theology sa San Carlos Seminary College at naging pari noong Hunyo 10, 1994.

Naging miyembro siya ng Council of Consultors, Episcopal Vicar ng unang distrito ng arkodiyosis at Presbyteral Council noong 2017.

Kasama rin siya ni Auxiliary Bishop Midyphil Billones sa pag-asisite kay Archbishop Palma para sa pangangasiwa ng arkodiyosis.

Leave A Reply

Your email address will not be published.