Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Santo Papa binantaan, pinadalhan ng 3 bala

0 69

Kinumpirma ni Archbishop Jose Cardinal Advincula na may `death threat’ si Pope Francis.

Kasabay nito, hiniling ni Cardinal Advincula na ipagdasal ang seguridad ng Santo Papa at kaligtasan ng bawat isa.

Nabatid na may ipinadalang sulat sa Santo Papa na naglalaman ng tatlong bala ng baril.

“Ipanalangin natin na hipuin ng Diyos ang puso ng mga taong naghahasik ng takot, karahasan, kasinungalingan at lumalabag sa karapatang-pantao,” ayon kay Cardinal Advincula.

Sa ulat mula sa awtoridad ng Milan Italy, taglay ng envelope ang French stamp na naka-address sa “The Pope, Vatican City, St. Peter’s Square in Rome. Taglay ng sulat ang tatlong bala ng 9mm at mensahe kaugnay sa financial operations ng Vatican. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.