Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Santo Niño stamp nilabas sa ika-500 taon ng Kristiyanismo

0 47

Naglabas ang Philippine Postal Corporation (PHLPost) ng mga special commemorative stamp upang ipagdiwang ang ika-500 taong Kristiyanismo sa bansa.

Inilunsad sa Cebu City noong Abril 14 ang mga stamp bilang marka ng unang pagbibinyag sa bansa at debosyon sa Santo Niño.

Tampok sa mga stamp ang imahe ng Santo Niño de Cebu, ang pinakamatandang religious icon sa bansa, na matatagpuan sa Augustinian-run Basilica Minore del Santo Niño de Cebu.

SM food to go Banner Ad

“During this same event, the Basilica Minore del Sto. Nino de Cebu was declared National Cultural Treasures by the National Museum of the Philippines,” ayon pa sa PHLPost.

Dagdag ng ahensya, “Stamps celebrate the history, art, and culture of the Philippines, spreading our country’s rich beauty as they travel all over the world. They bring the uniqueness of our heritage to far-flung places, representing the best and the brightest aspects of being a Filipino.”

Mabibili ang mga commemorative stamp sa Philatelic Counter, Manila Central Post Office at sa lahat ng Mega Manila post office. (Issa Santiago)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.