Una sa Balita

Santiago sinimulan ang unang araw sa DDB

By
0 96

Pormal na tinanggap ni dating Armed Forces of the Philippines chief Dionisio Santiago ang pagkakatalaga sa kanya bilang bagong chairman ng Dangerous Drug Board (DDB) itong umaga ng Lunes.

Sa isang turnover ceremony sa headquarters ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Quezon City ay kinilala ang pagkakatalaga kay Santiago sa DDB bilang kapalit ni dating chairman Benjamin Reyes.

Ang ceremonial turnover ng Dangerous Drug Board chairmanship mula kay Benjamin Reyes (kanan) kay Dionisio Santiago na ginanap sa Philippine Drug Enforcement Agency headquarters sa Quezon City itong Lunes ng umaga. (Paez Lopez)

Sinibak si Reyes ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos kontrahin ng una ang datos sa bilang ng drug addicts sa bansa na inilahad ng huli.

Sa kanyang unang araw sa DBB, ayon kay Santiago palalakasin niya ang pagsugpo sa ilegal na droga sa bansa at hinimok nito ang mga empleyado ng ahensya na gawin ang trabaho at lagi siyang kasama ng mga ito anuman ang mangyari sa kanila.

Idinagdag nito na plano niyang bawasan ang mga preso sa National Bilibid Prison sa Muntinlupa City at mailipat ito sa mega rehabilitation center sa Nueva Ecija at maituloy ang livelihood trainings sa mga ito. Sa ganitong paraan aniya mababawasan ang sisikang lagay sa Bilibid. 

Dati ring pinamunuan ni Santiago ang PDEA kung saan isa rin ito sa mga nagbigay ng pangalan kay Pangulong Duterte ng mga pulitiko at pulis na sangkot sa operasyon ng ilegal na droga sa bansa.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy