Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Santiago, Ageo supalpal sa JT

0 188

HINDI nakaporma si Jaja Santiago at ang Saitama Ageo Medics makaraang walisin via straight sets ng reigning champions JT Marvelous, 23-25, 18-25, 20-25, sa 2021-2022 Japan V.League sa Higashiyama Gymnasium nitong Linggo.

Ito ang ikalawang sunod na pagkatalo ng Ageo Medics laban sa JT Marvelous para sa 2-2 win-loss slate. Sa kabilang dako, malinis na 4-0 ang hawak ng defending champions matapos ang laban.

Kapos para sa Ageo Medics ang 13 points ni Mami Uchiseto at siyam na puntos mula kay Tamari Yamaguchi.

Nalimitahan si Santiago sa apat na puntos mula sa tatlong atake at isang block.

Sa third set, hindi sapat ang 3-0 run ng Ageo Medics upang lalo makadikit sa JT Marvelous, 20-24, na kinalaunan ay sinungkit ang kanilang fourth-straight win sa torneo.

Nitong Sabado, unang nalugmok ang Saitama-based squad sa iskor na 21-25, 26-28, 25-17, 23-25 laban sa JT Marvelous.

Sunod na makakalaban ng Ageo Medics sa darating na weekend, Oktubre 30 at 31, ang PFU Blue Cats. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.