Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Santiago, Ageo pasabog sa 2022

0 53

MAINIT na simula ngayong 2022 ang asam nina Jaja Santiago at ng Saitama Ageo Medics sa kanilang paghambalos kontra Kurobe Aqua Fairies sa pagpapatuloy ng 2021-2022 Japan V.League, Sabado.

Magugunita na huling pumalo ang Ageo Medics noong Disyembre 5 nang kapusin ang koponan kontra Hitachi Rivale sa iskor na 23-25, 25-27, 25-20, 25-29, 7-15.

Bitin para sa Ageo Medics ang 25 points ni Lorenne Teixeira, 19 markers ni Yuka Sato at 15 puntos mula kay Mami Uchiseto. Nag-ambag naman si Santiago ng anim na puntos, dalawa mula sa atake at apat na kill blocks sa nasabing laban.

Kasalukuyang nasa ika-anim na puwesto ng talaan ang Ageo Medics na may 8-6 win-loss habang nasa ika-11th place ang Aqua Fairies na may hawak na 2-12 card.

Maghaharap ang Ageo Medics at ang Aqua Fairies, ala-1 ng hapon (Manila time) sa Saiden Chemical Arena. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.