Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Santander, Orioles sinilat Yankees

0 31

DINISKARIL ni right fielder Anthony Santander ang paiskor nang si Gio Urshela sa 11th inning, at kumapit ang Baltimore Orioles sa 4-3 panalo laban sa New York Yankees Miyerkoles ng gabi.

Sa top half, kumonekta muna ng go-ahead single si Chance Sisco para ilagay sa unahan ang Orioles. ‘Yun na ang naging winning hit ng Baltimore.

Sa huling tsansa ng New York, pinalipad ni DJ LeMahieu ang bola sa kanan papunta sa direksiyon ni Santander.

SM food to go Banner Ad

Walang hirap na sinalo ni Santander ang hit bago pinukol sa home plate at naunahan ng tag ni catcher Pedro Severino ang una ang mukhang slide ng parating na si Urshela.

“He hit the ball to the right guy,” ani O’s manager Brandon Hyde sa palo ni LeMahieu na direkta sa kinaroroonan ni Santander.

Naka-homer din si Santander sa fifth. (VE)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.