Una sa Balita

Sanofi P1.16B lang ang binalik

By
0 1,380

Ibinalik na umano ng kompanyang Sanofi Pasteur ang perang ibinayad sa kanila ng gobyerno para sa mga hindi nagamit na Dengvaxia vaccine.

Pero sinabi ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na aabot lang sa mahigit P1 bilyon ang ibinalik na bayad ng Sanofi.

“There has already been a refunded amount to the tune of P1,161,000,000. Kaunting-kaunti na lang ang kulang,” pahayag ni Duque sa mga nanay ng mga batang nabakunahan ng Dengva­xia sa Pampanga.

“Hindi nangangahulugang tapos tayo diyan dahil kung may ebidensiya o patunay na ikinubli na isang mahalagang impormasyon na nakapagbago sana ng desisyon na isagawa ang Dengvaxia program, kung lilitaw ang impormasyon na ito, isisiguro natin na may mananagot,” ayon kay Duque.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy